Taxpayers ang sinasakal ng number coding
February 24, 2003 | 12:00am
BALIK na naman tayo sa dating color-coding na ngayoy tinatawag na number coding.
Okay sakin ang mga eksperimento ni DPWH Secretary at MMDA Chair Bayani Fernando. Pero dapat ay tuunang pansin din ang ibang sagabal sa daloy ng trapiko.
Bakit mga behikulong nagbabayad ng rehistro at road users tax ang tanging babawalan sa mga lansangan samantalang nakikisalo sa mga daan ang mga hindi awtorisadong sasakyan tulad ng mga tricycle, pedicabs, kalesa at pati na mga kariton kung minsan? Ang mga iyan ay malayang nakakagamit ng daan araw-araw. Hindi sila hinuhuli.
Kahit motorista ako, okay sakin ang magsakripisyo kung kinakailangan. Pero aksyonan din sana ang ibang nakapipigil sa maluwag na daloy ng trapiko. Sa Monumento halimbawa, araw-araw na lang ay napakasikip ng trapiko dahil ang harapan ng Grand Central ay ginagawang terminal ng mga mega-taxi. Bukod diyan ay nasa gitna na ng Rizal Avenue ang mga nagsisipag-abang ng sasakyan. Di ko na mabilang kung ilang ulit ko nang pinaksa iyan sa kolum na ito. Walang aksyon. Palibhasay may kumikita sa mga humihimpil na mega-taxi riyan.
Ang mga walang konsiderasyong jeepney driver ay isa pang dahilan ng di pag-usad ng mga sasakyan. Akoy taga-Morning Breeze Subdivision sa Caloocan at sa tuwing ilalabas ko ang aking sasakyan, nadidismaya ako sa mga jeepney na nakabalagbag sa bukana at kanto ng Asuncion Street malapit sa MCU Hospital. Nag-aabang ng mga pasahero at di alintana ang mga sasakyang gustong lumabas ng EDSA.
Tiyak ko na kung sa aming lugar ay may ganyang problema, mayroon din sa ibang lugar sa Metro Manila. Ang mga walang hanggang paghuhukay ay dahilan din ng masikip na trapiko. Kaya unfair ang number coding. Yung medyo may kayang bumili ng isa pang sasakyan ay libre na sa coding. Paano yung iisa lang ang sasakyan? Mag-jeep o taxi? LRT ba ika-nyo?
Paano kung madale naman tayo ng mga holdaper o snatchers? Sec. Fernando, Im sure marami pang remedyo ang maipapatupad natin sa pagpapaluwag ng trapiko. Disiplina lang ang kailangan. Implementasyon ng batas at hindi pagsupil sa karapatan ng mga taxpayers na magamit ang kanilang mga sasakyan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest