^

PSN Opinyon

Bentahan ng 'laman' sa malls

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA nakaraan kong column ay tinalakay ko ang tungkol sa paglaganap ng pornography sa internet. Subalit mas matindi ang prostitusyong nagaganap sa kasalukuyan. Maging sa mga shopping malls ay laganap ang bentahan ng ‘‘laman’’. Naglipana ang mga ‘‘calls girls’’ na tinaguriang ‘‘mall girls’’. Hindi sila mapagkakamalang pick-up girls. Marami ang nag-aakalang sila’y mga estudyante na mahilig lamang mag-malling. Hindi tsipipay ang kanilang dating at hindi mukhang bastusin. Subalit sa likod ng kanilang panlabas na anyo ay ang nakaririmarim ng klase ng hanapbuhay.

Gusto nilang magkapera. Marami ang nagsabi na sila’y napasok sa white slavery dahil sa kahirapan at para huwag sumala sa oras kaya napilitan silang kumapit sa patalim. Marami sa kanila ang bread winner ng pamilya.

Ang grupo ng mga kababaihang nakatambay sa malls ay may mga bugaw na kadalasan ay matrona at bakla. Sila ang gumagawa ng paraan para makahanap ng customer. Sila ang nagbibigay ng presyo at nakikipagtawaran. Bagamat istrikto ang management at mga guwardiya sa malls ay nalulusutan pa rin sila. Ibang gumimik ang mga ‘‘mall girls.’’ Sinasabing puspusan ang kampanya ng pamahalaan laban sa prostitution subali’t nagdudumilat ang katotohanan na laganap pa rin ang bentahan ng laman.

vuukle comment

BAGAMAT

GIRLS

IBANG

MARAMI

NAGLIPANA

SILA

SINASABING

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with