^

PSN Opinyon

Saksi ako sa healing

SAPOL - Jarius Bondoc -
"AKO si Tomas na nagdududa; hindi ako maniniwala hangga’t hindi ko mismo nakikita." ‘Yan ang sabi ko sa sarili, halaw sa Bibliya, nang una kong punta sa Mother Ignacia Healing Center nu’ng Abril. Hindi pa sikat noon si healing nun Sister Gloria, hindi pa dinadayo ng mga sikat na tao ang dating babuyan na ginawang pahingahan ng mga madre. Kokonti lang kami noon, wala pang isang dosena, di tulad ngayon na libu-libo ang dumadayo mula sa malalayong lugar para magpa-heal.

Pero nu’ng una kong bisita, namangha ako. Ibang klase ang lugar. Simple lang: Isang di-pinturadong bungalow, isang kubeta, at maraming statues ng Birhen Maria at Hesukristo sa malawak na hardin. Hindi ako handa sa buong araw ng pagdadasal. Naiinip ako dahil maraming appointments nu’ng araw na ‘yon. Pero nadala ako sa kantahang papuri sa Diyos, at sa kuwentuhan kay Sis Glo. Maghapon na ako roon. Pabalik-balik na rin simula noon. Spiritual healing daw ‘yon, sabi nila.

Marami akong nasaksihang physical healing. Minsan isang batang lalaking ilang buwan na raw paralisado ang inilapit kay Sister Glo. Hindi siya makalakad, buhat-buhat lang ng ina at tiya sa upuan. Hinimas ni Sis Glo ang binti ng bata. Ilang minutong dasal, naglakad ang bata, bagamat iika-ika. Napaluha ang ina’t tiya. Tumayo ang balahibo ko. Sabi ng bata, "Thank you, sister." Sabi ni Sis Glo, "Sabihin mo, ‘thank you, Jesus’."

Kararating lang ng isang doktor doon nang maaksidente. Naisara ang pinto ng kotse sa kamay niya. Dumugo ang dalawang daliri; basag ang buto. Hinugasan ni Sis Glo ang sugat sa tabing-balon. Nagdasal kay Hesukristo. Doktor na ang nagsabi: Sumara ang sugat, humilom ang buto.

Malalaki’t maliliit na himala ang nagaganap sa center. Matapos dasalan ni Sis Glo, mga may terminal cancer ay hindi na kailangang mag-chemotherapy. Mga lumpo, lumalakad. Mga pusong-bato, natututong magpatawad. Mga walang sampalataya, nagiging madasalin.
* * *
Schedule ng healing ni Sister Gloria: Martes, Biyernes, Sabado mula 6:30 a.m., sa 857 Susano Road, Bagombong, Novaliches, Caloocan.

vuukle comment

AKO

BIRHEN MARIA

HESUKRISTO

MOTHER IGNACIA HEALING CENTER

PERO

SIS GLO

SISTER GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with