Misteryosong kahulugan

MARAMING salita sa baryo akong nalaman. Una ay nakikinig lamang ako at pinag-aaralan ang kahulugan. Ang iba ay isinusulat ko para hindi malimutan.

Nang tumagal ay nakihalo na ako sa usapan. Alam na alam ko na ang kahulugan ng mga salitang noon ay ‘‘misteryoso" sa akin.

Narito ang mga salitang nalaman ko.

• Beinte-nuebe
Ito ay ang balisong o lanseta na 29 sentimetro ang haba. Kaya pagnasaksak ang tao ay malamang mamatay.

• Lason sa tingga
Ang ibig sabihin ay nabaril at namatay. Dahil ang bala ay tingga kaya ang tawag ay lason sa tingga.

• Nanganluran
Hango sa salitang kanluran (west). Ang ibig sabihin ay yumao na ang isang tao. Namatay na.

• Kati ng ulo
 Ang ibig sabihin ay taong may mga iniisip na problema.

• Kumukulo ang tiyan
Tawag sa isang patay-gutom. Walang makain.

• Gawin sa araw na walang ‘‘S’’
– Ibig sabihin ay gawin kung araw ng Linggo. Sapagkat Lunes, Martes, Miyerkoles, Huwebes, Biyernes at Sabado ay may letrang ‘‘S’’. Linggo lang ang walang ‘‘S’’.

• Martikules
Ito ay pinaghalong Martes at Miyerkules.

• Beho
Karaniwang tawag sa mga Intsik. Galing sa salitang viejo o matanda. Kaya ang ibig sabihin ay matandang Intsik.

Show comments