Obligasyon sa pagtitinda ng alahas
February 18, 2003 | 12:00am
SA pagitan ng Agosto 1991 at Abril 1993, tinanggap ni Perla mula kay Fely ang ilang alahas na nagkakahalaga ng P163,167.95. Batay sa kanilang kasunduan, ipagbibili ni Perla ang mga alahas at ibibigay ang napagbilhan kay Fely at kung sakaling sa loob ng dalawang buwan, mula nang ito ay kanyang tanggapin, hindi nabili ang mga ito, ibabalik niya kay Fely ang alahas. At dahil magkamag-anak, hindi na humingi ng resibo si Perla mula kay Fely.
Nang hindi ibigay ni Perla ang napagbilhan at hindi ibalik ang hindi nabiling alahas, nagpadala ng sulat-demanda si Fely. At dahil walang nangyari, idinulog ni Fely sa Lupon ng Barangay ang problema.
Sa Barangay, kinilala ni Perla ang natanggap niyang alahas mula kay Fely na nagkakahalaga ng P163,167.95. Pumasok ang dalawa sa isang Kasunduan sa Bayaran kung saan nangako si Perla na magbabayad sa mga alahas na natanggap mula kay Fely sa halagang P3,000.00 kada buwan.
Hindi pa rin tumupad si Perla sa nasabing Kasunduan kahit na ilang beses itong ipinaalala sa kanya, kung kaya napilitang magsampa ng kasong Estafa si Fely laban dito. Hinatulan ng Korte si Perla ng Estafa. Kinumpirma ito ng CA. Kinuwestiyun ni Perla ang desisyon ng Korte. Iginiit niyang dahil sa kanilang kasunduan kung saan magbabayad siya ng P3,000 kada buwan, nabago nito ang anyo ng kanyang obligasyon at napawalang-saysay nito ang kanyang kriminal na pananagutan. Tama ba si Perla?
Mali. Para magkaroon ng pagbabagong-anyo ang isang obligasyon, kinakailangan ang mga sumusunod: Una, isang dati at may bisang obligasyon; Ikalawa, pagsang-ayon ng mga partido sa bagong kontrata; Ikatlo, pagpapawalang-saysay ng lumang kontrata; at Ikaapat, bisa ng bagong obligasyon.
Upang mapawalang-saysay ang isang obligasyon ng isa pang panghalili rito, kinakailangang nagkakasalungat ang isat isa sa mga paksa, dahilan o pangunahing kondisyon nito.
Ang orihinal na kasunduan nina Perla at Fely ay hindi binago ng Kasunduan nila sa barangay. Ang bagong pamamaraan ng pagbabayad ni Perla ng kanyang obligasyon ay hindi salungat sa orihinal na kasunduan, kung kaya hindi nito napawalang-saysay ang obligasyon kay Fely na ibigay ang napagbilhan o ibalik ang mga alahas na hindi nabili. Hindi nababago ang anyo ng kahit anong obligasyon sa pagbabayad ng pera kung ang napalitan lamang ay ang pamamaraan ng pagbabayad, ang pagsasama ng iba pang obligasyon na hindi salungat sa dati o kung dinagdagan lamang ng bagong kontrata ang orihinal na kontrata.
Ang pagbabagong-anyo ng obligasyon ay hindi isa sa mga batayan sa pagtatapos ng pananagutang kriminal. Kaya, si Perla ay nahatulan sa kasong Estafa. (Ocampo-Paule vs. Court of Appeals G.R. 145872 February 4, 2002)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended