EDITORYAL Nasaan na ang 'lifestyle check'?
February 17, 2003 | 12:00am
NOONG October 2002, hinagupit ni US ambassador Francis Ricciardone ang nangyayaring grabeng katiwalian sa Pilipinas na pati ang judiciary ay kasangkot. Sinabi ng ambassador, na sagad na ang pagrereklamo ng mga dayuhang investors sa nangyayaring corruption. Nagbanta umano ang mga investors na aalisin ang kanilang negosyo sa bansa kung hindi mawawalis ang katiwalian. Nasaling ang damdamin ni President Gloria Macapagal-Arroyo at kaagad na binuo ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC). Layunin ng PAGC na imbestigahan at usisain ang klase ng pamumuhay ng lahat ng mga government official. Walang ipupuwerang opisyal sa "lifestyle check" ayon sa Presidente. Maski aniya si First Gentleman Mike Arroyo.
Ang pagbubuo sa PAGC na pinamunuan ni Chairman Dario Rama ay umani ng papuri lalo sa business sector. Magandang balak para madurog ang katiwaliang nangyayari sa lahat halos ng ahensiya ng pamahalaan at pati na sa judiciary ay animoy kanser na kumakalat. Magkakaroon na rin sa wakas ng paglilinis. Kasama sa mga ipinag-utos imbestigahan ay mga Cabinet Secretaries, undersecretaries at mga officer-in-charges ng ibat ibang tanggapan.
Subalit maglilimang buwan na ang nakalilipas mula nang buuin ang PAGC wala pang nababalitaang opisyal ng pamahalaan na sumailalim sa "lifestyle check". Walang malalaking isda na nalalambat. Ang katiwalian sa bawat departamento ay patuloy pa rin.
Kung ang binuong commission na ito ni Mrs. Arroyo ay pakitang-tao lamang, mas mabuti pang buwagin na lamang at ipaubaya na lamang sa mga pinuno ng bawat departamento ang pag-iimbestiga, at least baka may mangyari pa. Katulad ng binabalak ni Justice Sec. Simeon Datumanong na "lifestyle check" sa lahat ng mga empleado at sa mga attached agencies na tulad ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation at Land Registration Authority. Kailangan lamang maiwasan ang palakasan dito. Ipakita ni Datumanong na hindi siya kaya ng mga corrupt sa Customs at Immigration. Ang dalawang ahensiyang ito ang notorious sa pagiging corrupt. Laganap ang smuggling sa bansa at walang magawa ang hepe rito. Ganyan din sa Immigration.
Ipagpatuloy ni Datumanong ang "lifestyle check" sa kanyang nasasakupan at kapag nagtagumpay, gayahin naman sana ng ibang Cabinet Secretary. Hindi dapat pakitang tao ang pakikipaglaban sa mga corrupt. Ngipin sa ngipin ang dapat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended