^

PSN Opinyon

OFW na gustong maging Pag-IBIG member

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay OFW dito sa Japan. Isang taon na ako rito at malapit nang magbakasyon. Naisusulat ng aking kapatid ang tungkol sa Pag-IBIG Overseas Program (POP). Nais ko sanang malaman ang detalye ng POP gaya ng halaga ng buwanang kontribusyon. Ano ang mangyayari sa naimpok ng isang miyembro at ilang buwang kontribusyon ang kailangan bago makautang?

Malaking tulong ang POP para sa mga katulad kong OFW para makapagpundar ng sariling bahay at lupa. Maraming salamat. – Garry T.


Ang POP ay isang programa para sa mga overseas Filipino workers (OFW) na naglalayong makatulong sa kanilang pagpapatayo ng bahay sa Pilipinas. Ang mga miyembro ay maghuhulog ng ayon sa halaga ng nais mautang at buwanang sahod. Sa mga gustong umutang ng P1 milyon pababa ay US$20.00 kada buwan ang kontribusyon; sa uutang ng P1-M hanggang P1.5-M ay US$ 40.00 at sa P1.5-M hanggang P2-M ay US$ 50.00. Ang kabuuang naimpok ay magkakaroon ng mga sumusunod na katangian: Kikita ng 3 percent bawat taon, ito ay tax free, sinisiguro ng gobyerno ng Pilipinas at mananatili ito sa pangalan ng miyembro, kahit na lumipat o huminto ng trabaho.

Ang miyembro na naghuhulog ng US$20 ay maaaring makahiram ng hanggang P250,000 at kapag US$40 ay P500,000. Maaari ring umutang ng higit sa P500,000 hanggang P2-milyon sa kontribusyon na US$ 50.00 bawat buwan. Kailangang nakapaghulog ng kontribusyong katumbas ng 12 buwan bago makapag-apply ng housing loan.

Mababasa sa internet ang ibang impormasyon at detalye ng POP sa www.pag-ibigoverseas.com. Sec. Mike Defensor

ANO

DEAR SEC

GARRY T

ISANG

KAILANGANG

KIKITA

MAAARI

MIKE DEFENSOR

OVERSEAS PROGRAM

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with