^

PSN Opinyon

Mga salitang Pinoy

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
MADALAS akong makiumpok sa mga taga-nayon. Marami kaming pinag-uusapan.

‘‘Ano ang bagong salita sa basurero?’’ tanong ko sa malakas na boses. Walang makasagot kaya ako na rin ang sumagot, ‘‘Kalinbas!’’

Sabay-sabay na nagtanong ang lahat ‘‘Bakit kalinbas? Ngayon lang namin narinig iyon, ah.’’

‘‘Tatlong salita ang pinanggalingan. Ang una ay kasama. Ang ikalawa ay linis at ikatlo ay basura. Pag pinagsama-sama ay kalinbas, hindi ba’t mas maganda?’’

‘‘Oo, nga, doktor, maganda ang tunog,’’ sagot ng magsasakang matanda. ‘‘Pero hindi ko matatandaan. Kaya doon na lang ako sa dating salita na basurero.’’

‘‘E ano naman ang bagong salita para sa mayor?’’ tanong kong muli.

"Punongbayan,’’ sabi ng isang binatilyo.

‘‘Tama ka,’’ sagot ko, pero iyon ay lumang tawag. Ang gusto ko ay iyong bagong salita.’’

Wala pa ring makapagsabi kaya ako na ang sumagot ‘‘Gatpuno.’’

‘‘Bakit Gatpuno?’’ tanong ng marami.

‘‘Galing sa dalawang kataga. Gat na ginagamit natin para sa mga bayani gaya ng Gat Jose Rizal at sa puno na ang ibig sabihin ay naka-tataas.’’

Nakangiting nagtanong ang isang babae, ‘‘Eh ano ang tawag sa anak ng mayor?’’

‘‘Aba, hindi ko alam. Bago yata iyan?’’

‘‘Alam ko. Ang anak ng Mayor ang Gat-sanga!’’

ALAM

ANO

BAKIT

GAT JOSE RIZAL

GATPUNO

KALINBAS

KAYA

MARAMI

NAKANGITING

NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with