^

PSN Opinyon

Masisilat si Agoncillo at Bukbok sa Aduana

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NGAYON ay nagngingitngit sa galit ang tropa ng hog raisers sa Pinas porke padausdos ang kanilang produkto dahil panay ang pasok ng mga imported meat galing China, etcetera na pinupuslit at ibinebenta sa merkado.

Nailalabas daw ito sa mga customshouses ng hindi binabayaran ng buwis kaya nag-iingay at humihingi ng saklolo ang tropa ng hog raisers kay Prez Gloria.

Mura kasing nabibili ang mga imported meat dahil naipapasa ito sa mga dealers sa cheaper price kasi nga wala itong bayad sa buwis. Take note, libre ito, Prez Gloria, Your Excellency.

Isa si Agoncillo sa mga taong naglalabas ng imported meat sa customs dahil may tinatapalan itong ganid na officials dito. Malaking pitsa kaya payag sila sa kagaguhan ni Agoncillo. Hindi ba Mr. Percy? Korek ba ang mga kuwago ng ORA MISMO?

Si Bukbok naman ang kanyang enkargadong aso sa mga customshouse. Ito rin ang nagmamanipula para hindi sila magbayad ng taxes and duties sa Aduana sa blessing naman ni Mama Mary este mali ng ilang gagong patong na opisyal ng bureau.

Nabulabog ang mga patong na opisyal ng bureau ng ilabas natin ang pangalan ni Agoncillo. Nataranta sila kaya maraming tumatawag sa atin para aregluhin ang mga kuwago ng ORA MISMO. Naku ha?

Nang ayaw tumigil ang mga kuwago ng ORA MISMO sa pagbubulgar pina-lie low nila ang grupo para huwag daw masilip ang operasyon nila ng PSG-Anti-Smuggling Group kasi nga naman tiyak na maraming sasabit.

Hindi millions kundi billions of pesos ang nakuha ng grupo ni Agoncillo sa Aduana mula ng magsagawa ito ng operasyon dito sa tulong ng mga kaalyado nitong bansa este mali patong na mga opisyal ng bureau pala?

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO sa ginawang pag-iingay ng tropang hog raisers sa Pinas masesentro ang operasyon ng PSG-Anti-Smuggling ngayon kina Agoncillo at Bukbok. Tama ba Mr. Percy? Akala mo hindi ka kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO, ha kamote?

Pero mahihirapan ang grupo ni General Esperon ng PSG para matunton si Agoncillo kasi hindi nga pala ito lumulutang sa bureau kundi si Bukbok lang.

Kaya ang asong si Bukbok lamang ang mahuhuli, he-he-he!

Ikaw ang masasampolan Bukbok kasama ang iba pang anay mo sa mukha pero huwag kang mag-alala dahil makikita mo naman si Prez Gloria sa Malacañang kapag nasungkit ka ng mga tauhan ni General Esperon.

‘‘Bakit ba mainit kayo kay Agoncillo at Bukbok?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Mga economic saboteurs kasi sila!’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ganoon ba.’’

‘‘At may nakapagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na hindi makukuha si Agoncillo porke marami naman daw Agoncillo ang nag-operate sa Aduana’’ anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

‘‘Ito ang tip sa PSG basta itanong lamang kay Mr. Percy si Agoncillo at tiyak mahuhubaran ito ng maskara.’’

‘‘Ok kamote ito ang aabangan natin.’’

‘‘Ito na ang magiging dooms day ni Agoncillo,’’ he-he-he!’’

AGONCILLO

ANTI-SMUGGLING GROUP

BUKBOK

GENERAL ESPERON

MAMA MARY

MR. PERCY

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with