Malinis na kaya ang 2004 election?
February 7, 2003 | 12:00am
LABING-ANIM na buwan na lamang at pipili na naman ang taumbayan ng bagong Presidente, Bise Presidente, Senador, Kongresista, Mayor at Vice Mayor. Ngayon ay maitatanong na kung ano ang kahihinatnan ng election. Maging malinis kaya, mabilis at maayos o katulad pa rin ng dati na batbat ng pandaraya. Kilala ang ating bansa sa pandaraya kung election.
Noong Martes ay inaprubahan na ang Absentee Voting Bill. Maitatanong kung handa na nga ba ang Comelec dito. Hindi kaya palpak?
Tiniyak ng Malacañang na ang halalan sa 2004 ay magiging clean, honest and very orderly. Ayon sa mga police officials mangyayari ito sa pagpapatupad ng automated election.
Umanoy computers na ang gagamitin sa pagbibilang ng mga boto sa tabulasyon hanggang sa bilangan ng official Comelec results.
Mismong si President Gloria Macapagal-Arroyo ang nagpahayag ng paglalaan ng 2.5 bilyong piso para sa computerize election. Sinabi ng Presidente na sa pamamaraang ito ay mapapabilis ang pagpapahayag ng mga kandidatong nagwagi sa halalan.
Sa paggamit ng computers ay maiibsan na ang hirap ng mga guro at iba pang may kaugnayan sa pagbibilang ng mga boto. Pagpapahingahin na sila sa manual counting at ligtas na rin sa harassments na gawa ng masasamang elemento ng lipunan.
Maiiwasan na rin umano ang dagdag-bawas na minamaniobra ng mga ungas na mandarayang politiko.
Sana nga ay mangyari ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am