Tinutulan nina Pons, Linda, Carmen, ng mga opisyal ng eskuwelahan at ng abogado nina Monching at Bernie ang pag-aresto ng NBI dahil wala naman daw warrant of arrest. Nangako na lamang ang abogado na dadalhin niya ang dalawang estudyante sa NBI kinabukasan. At dahil napigilan ang pag-aresto sa kanila, nasampahan pa rin sila ng kasong kriminal at nag-isyu ng warrants of arrest ang Korte. Subalit hindi na matagpuan sina Monching at Bernie dahil iniwasan na nito ang warrant of arrest.
Dahil sa pangyayari, nagsampa ang NBI ng reklamo laban kina Pons, Carmen, Linda, sa pinuno ng security force ng eskuwelahan at laban sa abogado ng mga suspek dahil sa paghadlang nila sa pag-aresto at pag-usig ng mga kriminal ayon sa P.D. 1829 Sec.1(c). Tama ba ang kasong inihain?
Mali. Ang pakikialam at pagtutol nina Pons at ng mga kasamahan nito sa pag-aresto sa mga estudyante ay hindi isang paglabag sa Presidential Decree 1829. Mayroon silang karapatan na pigilin ang pag-aresto kina Monching at Bernie dahil ito ay ilegal. Hindi maaaring magsagawa ng pag-aresto ang NBI dahil wala silang hawak na warrant of arrest. Apat na araw na rin ang lumipas nang tangkain ng NBI ang pag-aresto. Wala sila sa lugar na pinangyarihan ng krimen kaya wala silang personal na kaalaman na magpapatunay na ang dalawang estudyante ang pumatay. Ang positibong pagkilala ng dalawang saksi ay hindi rin sapat para gawing makatwiran ang pag-aresto.
Sa kasong ito, nang magtangka ang NBI na arestuhin sina Monching at Bernie, walang ginagawang krimen ang dalawa o sila ay nagbigay ng paghihinala sa mga pulis na sila ay may ginagawang illegal. Bagkus, nagsadya ang dalawang estudyante para pag-usapan ang katahimikan sa kanilang eskuwelahan.
Nakalaan sa Korte at hindi sa NBI ang pagtukoy sa pagkakaroon ng maaaring dahilan na ang taong aarestuhin ay gumawa ng isang krimen. Pinapayagan lamang ng ating batas ang pulisya o ang mamamayan na magsagawa ng pag-aresto sa mga kriminal kung sila ay nahuli sa aktong gumagawa ng krimen o pagkatapos ng krimen at may personal na kaalaman na ang taong aarestuhin ang gumawa nito. (Posadas vs. Ombudsman et.al. G.R. No. 131492 September 29, 2000).