Panloloko sa nayon

TALAGANG special ang himagas sa handaan sa baryo. Ako ang unang binigyan dahil sa ako ay nagmamadali.

"Wow, tsampiyon!" sigaw ko pagkatapos ng unang kagat.Maliwanag ang lasa. Tunay na mansanas ang nakahalo sa apple pie. "Saan kayo bumili ng mansanas?" tanong ko.

"Sa bakuran namin," sagot ng may-ari ng bahay. Naghinala tuloy ako.

"Sayote lang ang tanim sa bakuran ninyo," puna ko.

"Sayote nga ang laman ng kinain mo, Doktor."

Pero sinusumpa ko, para talagang lasang apple pie!

Sa karatig na nayon ay pinakain ako ng hamburger. Ang lasa ay talagang nagustuhan ko. Pero naghinala na rin ako.

"O, kumusta ang hamburger ko?" tanong ng nagluto.

"Aba, okay na okay," sagot ko. "Pero baka naman gawa lang sa tokwa."

"Hindi tokwa, Doktor. Ang ginamit namin ay dinurog na puso ng saging."

"Diyos ko! Kung ganito kasarap ay sa puso na ako ng saging!" pasya ko.

Tuwing fiesta sa baryo, ang paboritong himagas ay halaya gawa sa ube. Pero ngayon ang ginagamit ay kamote na kinulayan.

Marami ring paraan na panloloko ang nakita ko sa baryo. Pati aspalto ay dinagdagan ng putik. Kaya ang tawag ay ispultik.

Show comments