Tayo ang talo sa Gulf War
February 2, 2003 | 12:00am
MATAPOS ang State of the Union Address ni US President George Bush ukol sa napipintong sagupaan ng Amerika at Iraq anumang oras, malinaw ang mensahe na may dahilan na naman upang mangamba ang mga Pilipino.
Alam nating lahat ng ibat ibang uri ng problema ang maaaring idulot ng Gulf War sa Pilipinas, lalo na sa larangan ng seguridad at pang-ekonomiya, na hanggang sa ngayoy nananatiling mga pangunahing problemang pamahalaan.
Matatandaan na tila naging mahirap para sa Amerika na kunin ang nasabing resolusyon ng UN Security Council, upang pasukin ang Iraq, at simulan ang Gulf War II, na unang naganap sa pangunguna ng ama ni Pres. George W. Bush noong 1991.
Matatandaan din matapos ipahintulot ng UN Security Council ang paggamit ng dahas laban sa Iraq noong nakaraang taon, mabilis din ang pagpapahayag ni President Gloria Macapagal-Arroyo ng kanyang suporta sa Amerika, at sa kampanya nito laban sa terorismo.
Ngunit ano naman kaya ang mga paghahandang isinasagawa ngayon ng ating pamahalaan sa muling paghudyat ng hidwaan ng Amerika at Iraq?
Ang Iraq ay kilala bilang isa sa top five na bansa na may pinakamalaking oil reserves sa buong mundo, ngunit hindi naman mapakinabangan ang langis nito dahil sa isang trade embargo laban dito mula sa UN matapos ang Gulf War noong 1991.
Dahil dito, inaasahang magiging mas mahirap na kalagayan ang maaring idulot ng Gulf War II, sa dahilang may mga bansa sa Middle East na maaring kumampi sa Iraq sakaling mapalaban itong muli sa Amerika.
Kung kayat ang problema sa langis sa bansa ay dapat na tukuyin at suriin ng pamahalaan upang hindi magkaroon ng shortage, o pagkukulang na siguradong magbubunsod na naman ng pagtaas ng mga bilihin, na dapat iwasang mangyari ng pamahalaan sa kasalukuyang panahon.
Kaugnay pa nito ang hindi malayong pagdami at pagkalat ng oil smugglers at hoarders sa isang panahon ng krisis sa langis, ngayon pa lamang ay dapat tukuyin na ng pamahalaan ang mga ito at gumawa ng paraan upang mapigilan ang mga binabalak gawin ng mga ito.
Ang kaligtasan ng mga OFWs sa Middle East ay dapat ding siguruhin ng mga kinauukulan, upang maiwasan naman ang mga problema para sa mga pamilya nito.
Kung hindi matitiyak ang ilan lamang sa mga nabanggit, nanganganib na namang muli ang Pilipinas na lumabas bilang isa sa mga tunay na biktima ng hidwaang Amerika-Iraq. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 24, 2026 - 12:00am