^

PSN Opinyon

'Asereje' sa Satanista?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SIKAT na sikat ang awiting ‘‘Asereje’’. Bata at matanda ay nahuhumaling. Sinasabayan nila ang pag-awit at pagsayaw. Nakatutuwang tingnan lalo na mga maliliit na bata na umiindak at kumukumpas habang umaawit at sumasayaw sa Latin ng American beat na hottest craze ngayon. Lalo pang naging hit dahil iba’t ibang dance group ang sumasayaw sa telebisyon. Subalit sa gitna ng popularidad ng ‘‘Asereje" ay umugong ang balita na ito ay Satanista.

Hindi mabilang ang nag-text sa akin tungkol sa ‘‘Asereje’’ na nagbabala na habang inaawit at sinasayaw ito ay sinasamba ang hari ng kadiliman. Narito ang natanggap kong text message tungkol sa ‘‘Asereje’’: A PUBLIC WARNING: The pop sensation ‘‘ASEREJE’’ means devil in Spanish. Now we know its such a craze because everyone is singing and dancing to Satan’s Chant. Please pass to stop the madness!’’

Maging ang mga kaibigan ko, ay tumanggap din ng babalang ito. Isang kaibigang American na linguist ang tinanong ko tungkol sa ‘‘Asereje.’’ Pinakinggan niyang mabuti ang awitin at sinabi na wala namang binabanggit na demonyo. Sinabi niya na ang ‘‘Asereje’’ ay tungkol sa kaganapan sa paligid at may sundot tungkol sa ilang karahasan. Sinabi rin niyang ang nakakaadik na pagsayaw ng ‘‘Asereje’’ ay mabuting ehersisyo at mabisang paraan para makalimutan ang problema.

Maraming moralista at relehiyoso ang nagpayo sa mga kaanak nila na huwag maki-ride on sa mga tagahanga ng ‘‘Asereje’’ para huwag silang magkasala.

ASEREJE

BATA

ISANG

MARAMING

NAKATUTUWANG

NARITO

PINAKINGGAN

SATANISTA

SINABI

SINASABAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with