4th World Meeting of Families simula bukas

BUKAS magsisimula ang 4th World Meeting of Families. Mga kinatawan ng pamilya sa apat na sulok ng mundo ang magtitipon sa Manila sa layuning mas patatagin ang pananampalataya sa Diyos. Ang pulong ay magwawakas sa Enero 26.

Isa sa mahalagang paksa sa pagtitipon ay ang pagiging matatag ng Christian Values ng Pamilya na siyang basic unit of society. Sa pamilya nag-uugat ang dakilang pananampalataya at kabutihan sa kapwa tao at pagdakila sa bansa.

Tatalakayin din sa naturang worldwide confab ang papel ng ama, ina at anak sa bawat pamilya. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mahalagang papel na ginagampanan. Ang ama ang siyang haligi at ang ina ang siyang ilaw at ang anak ang anghel ng tahanan. Lahat sila’y pinag-isa sa pagmamahal, paggalang at pagbibigayan.

Ayon sa kanyang Kabunyian Jaime Cardinal Sin, napakahalaga ng pamilya sa pagbuo ng sambayanan at pagpapahalaga ng katiwasayan at pag-ibig sa mundo.

Show comments