^

PSN Opinyon

Ano pa ang silbi ni Sec. Lina, kung hindi siya nasusunod?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HUMAGIKGIK sa tawa ang mga pulis na nakausap ko ukol sa bagong kampanya ni Interior Secretary Joey Lina sa loose firearms nga. Napuna nila na si Lina ay sumasakay sa samu’t saring isyu sa diyaryo para masabing nagtatrabaho siya samantalang reactionary lamang siya katulad ni Sen. Tessie Aquino-Oreta. Kaya ang ordinaryong mamamayan ay hindi na naniniwala kay Lina bunga sa wala namang natapos sa mga proyekto niya. ‘Ika nga panay lang siya dada.

Ayon kay Lina, kaya niya gustong isulong na muli ang kampanya laban sa loose firearms dahil sa sunud-sunod na kaso ng patayan hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Kung sabagay, inamin naman ni Lina na hindi siya nag-umpisa sa kampanyang ito kundi ang mga dating opisyales pa ng Department of Interior and Local Gov’t. (DILG). Gusto ni Lina na disarmahan ng pulisya natin ang mga political warlords, NPA, MILF, mga Muslim extremists at mga organized crime groups.

Namula ang mga mukha ng mga pulis na nakusap ko sa katatawa sa bagong direktiba ni Lina. Anila, hindi nga nila magawang sundin ang kautusan niya ukol sa kampanya laban sa jueteng eh ang mga huhulihin ay walang armas dito pa sa loose firearms na baka madedbol lang sila. He-he-he! May punto sila dito, no mga suki? Halos mag-sasampung buwan na ang kampanya sa jueteng eh maliwanag na namamayagpag pa rin ang mga gambling lord sa buong bansa at ang natitirang bingi at bulag ay si Lina nga, anang mga kausap ko. Pero may alam si Lina dahil inamin niyang kilala niya ang 44 jueteng lord na nag-ooperate sa buong bansa, di ba mga suki?

Kung ang mga kubrador sa jueteng na lantarang kumokolekta ng taya sa kalye ay hindi mahuli-huli ng pulisya ang mga political warlords, NPA, MILF, Muslim extremists at organized crime groups pa kaya? Sino naman kaya sa kapulisan natin ang gustong magbuwis ng buhay para lang maisakatuparan ang alituntunin ni Lina?

Paano maisusulong ng mga opisyales ng ating pulisya tulad ni CIDG director Chief Superintendent Eduardo Matillano ang kampanya laban sa loose firearms eh mabigat ang katawan nila dahil puno ang bulsa nila ng intelihensiya sa jueteng? He-he-he! Pambobola lang ’yang bagong kampanya ni Lina, anang mga pulis na nakausap ko. Para makasiguro si Lina na may tatalima sa kautusan niya ba’t di niya utusan si Supt. Noel Estanislao, hepe ng Task Force Jericho, na mauna sa kampanya laban sa loose firearms dahil ‘‘bundat na bundat’’ na siya. Alam ’yan ni Atty. Morga.

Kung sabagay, ang admi-nistration ni President Arroyo ay nagmukhang comedy sa pelikula pero sumasablay naman sa talikya. ’Ika nga walang direksiyon. Kasi nga patuloy pa rin ang mga negosyo nina Bong Pineda, Arman Sanches, Aging Lisan, Nora ng Nueva Ecija, Charing Magbuhos at iba pa at mukhang si Lina lang hindi nakakaalam. Kung totoong hindi na sinusunod ng pulisya natin si Lina, ano pa ba ang silbi niya sa gobyerno ni GMA? Tanong lang.

AGING LISAN

ARMAN SANCHES

BONG PINEDA

CHARING MAGBUHOS

CHIEF SUPERINTENDENT EDUARDO MATILLANO

IKA

LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with