Maaaring lingid sa kaalaman ng Pasig City Treasurer Crispina V. Salumbre, ang pananahimik ay halos pag-amin na rin.
Hawak niya ang kanyang kapalaran. Sa kanya na ang desisyon at aksiyon, ngayong alam na ng taumbayan ang katotohanan.
Hawak ko ang isang tape recorded telephone interview kung saan humahalakhak si City Administrator Atty. Reynaldo Dionisio. Nakakatawa nga naman ang sagot ni Salumbre sa Imbestigasyon ng Bahala si Tulfo.
Ayon kay Salumbre kailangan daw magpalamon nung araw ng auction para dumalo ang mga serious bidders dahil ito raw ang kauna-unahang auction sa lungsod ng Pasig.
Nung tinanong ko si Salumbre, bakit kailangan tustusan ng local ng pamahalaan ng Pasig ang engrandeng palamon?
Nagkanda-utal-utal ito at nagdahilang tatawagan na lang kami dahil marami daw ang mga nakapilang tax payers nung araw din yun.
Dagdag pa ni Salumbre, Mr. Ben Tulfo tatawagan kita para basahin sa yo ang isang provision sa local government code na sasagot sa iyong katanungan. Hanggang sa isinusulat ko ang kolum na to, wala pa rin kaming natatanggap na tawag sa kanya.
Kaya naman pala humalakhak ng malakas si Atty. Dionisio nung marinig niya sa akin ang sagot ni Salumbre. Mapapakinggan ng publiko sa DZME 1530 Khz, 9-10 a.m. ang bahagi ng nasabing interview ko kay Atty. Dionisio.
Kay City Administrator Atty. Dionisio mismo na ang nagsabi na ang catering service ay handa para sa kaarawan ng asawa ni Salumbre. Hindi raw ito sagutin ng siyudad ng Pasig. Taliwas ito sa sinabi ni Salumbre na ang catering service ay sagot ng siyudad ng Pasig.
Napag-alaman ng Imbestigasyon ng Bahala Si TULFO na 15% lamang ang mga serious bidders na dumalo sa auction. 85% ay mga empleyado ng City Hall na pawang mga naka-ID pa.
Hindi rin kayang maipaliwanag ni Salumbre bakit sinisingil ng lungsod ng P60,000.00 real property tax delinquency ang isang lumapit sa amin. Samantala yung kanyang dapat bayaran lang ay P5,000.00 kabilang na dito ang mga penalties.
Napag-alaman namin na naging makatao ang City of Pasig. Ayon kay city administrator, Ben, nakuha namin sa pakiusap ang nag-bid ng kanyang lupa sa auction. Hindi na ito natuloy out of Christian act and compassion sa panig na bidder. Pumayag na lang itong ibalik muli sa nagmamay-ari ng lupa.
Ikaw City Treasurer Salumbre, para sa iyong kaalaman, hindi ko estilong inuupakan pa yung taong nakadapa na, kapareho mo. Bahala na ang taumbayan maghusga sa yo! Sige manatili ka na lang tahimik hanggang sa iyong huling hantungan!