^

PSN Opinyon

Laganap ang prostitution

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
TALAMAK ang prostitusyon. Walang tigil ang bentahan ng laman. Kataka-taka ang pagsusulputan ng mga panggabing aliwan sa maraming lugar sa Metro Manila. Maraming videoke club sa Maynila, Pasay, Quezon City, Valenzuela at kung saan-saan pa na nagiging pugad ng prostitusyon. Paano nabibigyan ng permit ang mga ganitong bahay-aliwan. Nakapagtataka rin na magkakaroon kunwari ng pag-raid sa mga bahay-aliwan subalit bukas-makalawa ay nag-ooperate na naman.

Kamakailan ay na-raid ang Heartbeat Videoke Entertainment Bar sa Quezon City. Ang nagsagawa ng raid ay ang Task Force Jericho. Napatunayan na sa Heartbeat ay may nagsasayaw na mga babaing hubad. Meron ding mga cubicle dito kung saan ang mga kliyenteng lalaki ay minamasahe ng GRO at ang pagmamasahe ay humahantong sa pagtatalik. May mga nakuhang footages habang nasa malaswang akto ang ilang GRO at mga parukyano nila.

Sa mga dinampot na GRO ay napatunayang marami sa kanila ang walang lisensiya at pawang menor de edad. Peke ang kanilang birth certificate. Napatunayan ito nang itanong kung ano ang pangalan ng kanilang mga ama at ina. Napatunayang nagsisinungaling dahil mali ang mga pangalan ng magulang na kanilang sinasabi.

vuukle comment

HEARTBEAT VIDEOKE ENTERTAINMENT BAR

KAMAKAILAN

KATAKA

MARAMING

MAYNILA

METRO MANILA

NAPATUNAYAN

QUEZON CITY

TASK FORCE JERICHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with