^

PSN Opinyon

Mundo ng mayaman

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANG mundo natin ay sa mayaman lang. Kung mahirap ka, sori na lang.

Kung mayaman ka, meron kang "allergy." Kung mahirap ka, ang tawag diyan ay "galis" o "kurikong."

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "stress." Sa mahirap, "nasira ang ulo" o "sumayad" o nagka-topak."

Kung mayaman, "eccentric." Kung mahirap, "sinto-sinto."

Sa mayaman, "migraine." Sa mahirap, "nalipasan ng gutom."

Kung maitim ang señorita mo, siya ay "morena." Kung ikaw na atsay ang maitim, "baluga" ka.

Sa mayamang hukot, tawag ay "scoliotic." Sa mahirap, "kuba."

Ang kolehiyalang payat ay "slender." Ang mahirap ay "palito."

Ang well-off na maliit, "petite." Ang mahirap ay "bansot, unano."

Ang socialite na tabain, "pleasingly plump." Ang mahirap, "baboy."

Si señoritang mahilig mag-date, "game." Si mahirap, "pakawala."

Ang matronang malandi ay "liberated." Ang mahirap, "alembong."

Ang mayamang hiwalay sa asawa’y "single parent." Ang mahirap, "disgrasyada, haliparot, talipandas."

"Health conscious" ang taga-mansion na puro gulay ang kinakain. "Kuneho" ang tawag sa taga-kubo.

Sa exclusive school, "assertive" ang batang sumasagot sa guro. Sa public school, "walanghiya."

Ang mahinang anak-mayaman ay "slow learner." Ang mahirap ay "gunggong, pulpol."

Ang mayamang malakas kumain ay may "good appetite." Ang mahirap ay "patay-gutom, masiba."

Ang mayamang palaboy ay "dreamer." Ang mahirap, "istambay."

Ang tycoon na tumatanda ay "graduating gracefully into senior citizenhood." Ang mahirap ay "gumugurang."

Kung nagko-computer games ang boss sa opisina "it’s okay." Kung empleyado, "bulakbolero."

Sa mayaman, "grey hair." Sa mahirap, "uban."

GUTOM

KUNEHO

KUNG

LANG

MAHIRAP

MAITIM

MAYAMAN

MAYAMANG

TAWAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with