Bayanihan hindi pulitikahan ang kailangan
January 16, 2003 | 12:00am
NAKAPANGGIGIGIL na talaga ang mga hinayupak na pulitiko natin. Wala na silang inaatupag kundi ang sarili nilang interes sa halip na ang harapin ay ang makabubuti sa bansa. Wala nang laman ang ating mga pahayagan kundi pamumulitika at papormahan ng mga walanghiyang pulitiko na kitang-kita naman na hindi ang bansa at mamamayan ang nakikinabang.
May pagbabago na ba sa ating bansa mula nang ideklara ni President Gloria Macapagal-Arroyo na hindi na siya tatakbo sa 2004 sapagkat ang hangarin niya ay mabawasan na ang pulitika at magkaisa na ang lahat? Sa tingin ko ay wala pa. Maganda sana ang layunin ni GMA kahit na sabihin pang may iba pa siyang hidden agenda. Hindi naman tatagal at malalaman din natin kung sakali mang niloloko lamang niya ang mamamayan. Nasisiguro kong alam ni GMA ang kalalabasan niya kapag dinobol-kros niya ang taumbayan.
Kaya, kayong mga hayok na pulitiko, huwag na kayong humirit pa. Tingnan ninyo ang nangyari kay Sen. Ed Angara. Akala niya makakalusot siya sa kanyang pamumulitika sa Senado at mailuluklok bilang Senate President. Ayun, tumbalelong ang nangyari sa kanya. Bigla tuloy nag-ala-Gloria. Hindi na rin daw kakandidato si Edong sa pagka-pangulo sa 2004 at makikipagtulungan na rin daw siya kay GMA upang maisulong ang mga kailangan upang umunlad ang bansa.
Tama na ang Cha-cha kung ito ang nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Siyempre, hindi maiaalis na pagsuspetsahan ang mga sumusuporta rito lalo na ang mga nakaupong pulitiko na gusto lamang nilang palawigin ang kani-kanlang mga termino. Nakakaapekto tuloy ito sa kredibilidad ni GMA. Tama na ang pulitikahan. Bayanihan na ang kailangan ngayon sa pagtutok sa mga pangangailangan ng bayan at ng ating mga mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest