Tayong mga Pilipino ay mga taong nananampalataya at mga binyagang Kristiyano. Dinadala ng binyag si Jesus sa kaibuturan ng ating pagkatao. Ganito kalapit ang pakikibahagi ni Jesus sa ating pantaong kondisyon o kalagayan.
Narito ang sinulat ni Mark sa pagbabautismo kay Jesus (Mk. 1: 7-11).
"Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa sa akin: ni hindi ako karapat-dapat na magkalag ng tali sa kanyang mga panyapak. Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Espiritu Santo.
Hindi nagtagal, dumating si Jesus mula sa Nazaret, Galilea, at siyay binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan. Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig ay nakita niyang nabuksan ang kalangitan, at bumaba sa kanya ang Espiritu na gaya ng isang kalapati. At isang tinig na nagmula sa langit: Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.
Sa katauhan ni Jesus, hinarap ng Diyos ang bawat isa sa atin. Ngayon tayoy kailanmay di-na mag-iisa sa ating pighati, kalungkutan, pag-iisa at kawalang-pag-asa. Sa pamamagitan ni Jesus, palagi nating matatawag ang Diyos bilang ating Ama. Ang langit ay hindi na nakapinig. Naparito na si Jesus.
Ang ating binyag ang nagbigay-daan upang tayoy maging tunay ng mga anak ng Diyos. Tinutukoy tayo ng Ama, gaya ng pagtukoy niya kay Jesus, "Ikaw ang aking minamahal na anak." Ang binyag ang batayan ng ating pantaong dangal at kahalagahan. Hindi lamang kayo anak ng inyong ama at ina. Kayo rin ay anak ng Diyos.
Taas-noo ninyong dalhin ang inyong dangal.