Gustong umutang ng pampatayo ng bahay
January 12, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako ay 23-anyos at binata. Mag-aapat na taon na akong miyembro ng Pag-IBIG. Gusto kong magkaroon ng bahay para sa aking pamilya. Dahil sa ako ay taga-probinsiya, doon ko sana gustong magpatayo ng bahay kung saka-sakali. Dahil mayroon na kaming maliit at sariling lupa na puwedeng pagtayuan ng bahay, gusto ko sanang makautang ng pera na gagastusin sa pagpapatayo ng bahay. Paano po ang proseso? Edwin Vergara
Maaari kang makapag-avail ng housing loan sa Pag-IBIG. Kung sa iyo nakapangalan ang lupang pagpapatayuan ng bahay, magsadya lamang sa Pag-IBIG office sa inyong probinsiya dala ang mga sumusunod na requirements:
Income Tax Return noong dalawang nakaraang taon.
Dalawang 1 x 1 picture.
Certificate of Employment
Certified true copy ng titulo ng lupa.
Updated tax declaration.
Payment of current real estate tax.
Vicinity map.
Proof of latest billing address.
Kung hindi naman nakapangalan sa iyo ang lupa, maaaring mag-execute ng Special Power of Attorney (SPA) ang inyong magulang o kamag-anak na maaaring patayuan ng bahay ang lupang kanilang pag-aari.
Sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Pag-IBIG office, telephone number 811-41-74.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended