Kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Fajardo na naging overacting sa istilo ng kanyang pamumuhay mula ng magka-tsapit ito?
Mula sa kanyang paboritong sports na tennis ay lumundag ito papunta sa larong golf. Alam naman ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi biro ang green fee sa nasabing bisyo porke hindi bababa ng P1,000 ang isang play kumporme ito sa lugar ng paglalaruan puwera pa ang bayad sa caddy, umbrella girl, at tsibog.
Bumulusok paitaas ang suwerte ni Fajardo nang mag-usap-usap ang mga tsismosong Customs sa NAIA. Nandyan ang malungkot dahil sa pangyayari at nandyan naman ang nagpapalakpakan porke natimbog ang matagal na nilang kinaiinggitan.
Siopao ito este mali naging showy kasi itong si Fajardo sa kanyang mga constituent porke madalas naka-display ang kanyang mamahalin at magagarang kagamitan. Nakabandera ang mala-kadenang barkong bracelet na kumikinang na may mga kasamang malalanding brilyante ga-bato halos makuba daw ito sa bigat ng kanyang necklace at ang umanoy daan libong halagang Rolex watch? Isa lamang itong pangkaraniwang empleado ng Customs?
For info, hindi naiinggit ang mga kuwago sa naging suwerte ni Fajardo pero hinulog siya ng kanyang mga katoto kaya para siyang binuhusan ng kumukulong ebak este mali putik pala.
Bubusisiin pala ng tanggapan ng OMBUDSMAN, ang anomalyang nangyari sa bureau porke hindi sila naniniwala na si Fajardo lamang ang gumagawa ng ganito?
"Sayang nabuko ang operasyon?" anang kuwagong Kotong cop.
"Maraming sasabit kahit na mga dating opisyal dito lalot iyong mga nagretiro oras na magturo si Fajardo?" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Bakit ngayon lamang natuklasan ito samantalang matagal nang may mga nangyayaring anomalya sa bureau?"
"Marami raw ang nabukulan kaya may kumanta?"
"Siguradong maraming makakalawit ang Ombudsman kapag nag-imbestiga ito ng malaliman."
"Dyan sa palagay ko tumpak ka, kamote."