^

PSN Opinyon

Paglalakad sa ibabaw ng tubig

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
WALANG sinumang makalalakad sa ibabaw ng tubig. Ang sinumang maglakad sa ibabaw ng tubig ay lulubog. Subalit upang patunayan na si Jesus ay Diyos, lumakad siya sa ibabaw ng tubig sa gitna ng isang unos. Ang mahimalang pangyayari ay naganap upang kumbinsihin ang mga alagad na maniwala na si Jesus ay Diyos. Ang kuwento ay isinalaysay sa Ebanghelyo ni Mark upang palakasin din ang ating paniniwala sa pagka-Diyos ni Jesus (Mk. 6:45-52).

"Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samantalang si Jesus ay nag-iisa sa katihan.

Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat.

Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, ‘Huwag kayong matakot, si Jesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!’ Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila nauunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip."

Mahalaga para sa atin na kapag tayo’y nahaharap sa isang problema, dapat nating pakinggan ang mga salita ni Jesus: "Si Jesus ito. Huwag kayong matakot." Dapat nating matutunang makita ang presensiya ni Jesus sa gitna ng mga bumabagabag sa atin. Ginagamit ng Diyos ang ating mga problema, dalahin at mga bumabagabag sa atin upang mabigyan tayo ng pagkakataon na makilala si Jesus sa gitna ng ating pagkalito. "Si Jesus ito," sabi niya. "Huwag kayong matakot."


Tayo’y mga tao na humaharap sa lahat ng uri ng kahirapan at kagipitan. Dapat nating makilala ang presensiya ni Jesus sa bawat okasyon. Sa ganitong paraan tayo lalago sa ating pagkakakilala kay Jesus. Siya’y magiging bahagi ng ating buhay.

vuukle comment

BETSAIDA

DAPAT

DIYOS

EBANGHELYO

GINAGAMIT

HUWAG

JESUS

SI JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with