^

PSN Opinyon

Cha-cha naman ang pinag-uusapan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
AKALA ko’y wala nang pag-uusapang pulitika ngayong 2003 matapos ipahayag ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong Dec. 30, 2002 na hindi siya tatakbo sa 2004 elections. Pero mukhang mas mainit pa ang usapang pulitika ngayong 2003 dahil sa pagpipilit na maisulong ang Charter change o Cha-cha. Patindi nang patindi at nahahati pa ngayon ang senado at kongreso sa isyu ng Cha-cha.

Marami ang nagpahayag ng pagtutol sa panukala ng mga mambabatas na pinamumunuan ni Speaker Jose de Venecia na pagpapalit sa presidential form of government.

Ayon kay Sen. Manuel Villar, ang anumang pagbabago sa Saligang Batas ay nakasalalay sa kamay ng mga mamamayan. Idinugtong ng senador na ang kapangyarihan ng taumbayan ay napatunayan na sa maraming pagkakataon kabilang na ang Edsa 1 at 2. Binigyan diin ni Villar na tanging ang sambayanan lamang ang makapagpapasya tungkol sa Cha-cha.

Sinabi pa ni Villar na ang pamahalaan ay dapat magsasagawa ng referendum sa Cha-cha at ito’y itaon sa 2004 presidential polls upang maiwasan ang karagdagang gastos sa pagsasagawa ng referendum.

Idinagdag pa ng senador na bukod na makatitipid ang gobyerno tiyak din na marami ang magpa-participate sa referendum dahil sabay na ito sa pagboto nila. Matagal nang pinagtatalunan ang Cha-cha. Panahon pa ng Ramos administration ay nagdedebate na sa Cha-cha. Sumasang-ayon ang nakararami sa suhestiyon ni Sen. Villar na ang Cha-cha ay idaan sa referendum at isabay ito sa 2004 elections.

AYON

BINIGYAN

CHA

EDSA

IDINAGDAG

IDINUGTONG

MANUEL VILLAR

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SALIGANG BATAS

SPEAKER JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with