^

PSN Opinyon

Misis at chiching ng gov't official nagtagpo sa hotel

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nagkaroon ng eskandalo sa isang bar sa hotel dahil aksidenteng nagtagpo ang misis at chiching ng isang government official?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Megastar Sharon Cuneta, Erlinda Cadiz Enano ng Guimaras; VW Mel Loreto, Carlos Ang , PO2 Amy Leal at PO2 Michelle Gustilo.

Happy 37th wedding anniversary kina Mr. Jovito and Dominga Concepcion.
* * *
Alam n’yo bang naeskandalo ang isang government official matapos magtagpo ang misis nito at ang kanyang chiching sa isang bar and restaurant sa loob ng isang hotel?

Ayon sa aking bubuwit, kasama noon ng government official ang kanyang misis at isang kaibigan nang mangyari ang kaguluhan.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap si Bossing at ang kanyang kaibigan sa Carribean Bar & Restaurant sa Dusit Hotel Nikko sa Makati City ay biglang dumating ang isang chiching. Lumapit kaagad kay Bossing at bigla itong pinagmumura.

Aba, sa dami ng mga tao ay nagkaroon ng gulo. Ang ikinagulat naman ng aking bubuwit, sa halip na ipagtanggol ni Misis ang kanyang mister, nakisabay din siya sa chiching nito na lumait-lait kay Bossing.

Patay kang bata ka!

Ayon sa aking bubuwit, hiyang-hiya si Bossing. Siyempre, hindi niya alam kung ano ang gagawin sapagkat dala-dalawa ngayon ang tumatalak sa kanya.

Dahil sa pangyayari, nagulat din ang kaibigan ni Bossing at ang ginawa na lang ay umalis sa eksena.

Ang ginawa naman ng government official dahil hindi niya maawat ang kanyang misis at ang kanyang chiching na parang nagkampihan na… Dahan-dahan siyang umalis sa bar.

Ang ginawa naman nitong dalawang babae, sumunod kay Bossing at pinagmumura at nilait-lait pa rin.

Umabot na sila sa labas ng bar pero parang machine gun pa rin ang bunganga ni Misis at ang chiching.

Grabeng eksena ang nangyari!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, parang set-up ang nangyari sa government official sapagkat ang damit pa ni Misis at ang chiching ay parehong-pareho.

At kung hindi set-up ito, bakit naman hindi ipinagtanggol ni Misis si Bossing sa kahihiyang inabot nito.

Bakit nakipagtulungan pa ito para murahin at hiyain sa karamihan ng tao?

Ayon sa aking bubuwit, ang government official na-eskandalo sapagkat nagtagpo ang kanyang misis at ang chiching ay si…

Siya ay may posisyon sa gobyerno bilang Assistant Secretary.

Siya ay medyo mataba, mabait, soft spoken at chick boy talaga. Kumusta ka na Bossing?

Siya ay walang iba kundi si Asst. Sec. R. as in Rocky Boy.

vuukle comment

AMY LEAL

ASSISTANT SECRETARY

AYON

BOSSING

CARLOS ANG

CARRIBEAN BAR

CHICHING

MISIS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with