^

PSN Opinyon

Winners sa mga raffle contest sa text, katarantaduhan

IMBESTIGASYON - Ben Tulfo -
MARAMI na ang mga naging biktima at marami pa ang mga susunod. Hangga’t may naloloko may manloloko. Uulitin namin ang aming babala.

Huwag magpapaniwala sa sinumang magtiti-text o tatawag sa inyo sa telepono at magsasabing kayo’y nanalo. Nabunot daw kasi ang inyong pangalan sa isang raffle contest.

Huwag bigyan ng pagkakataon ang mga balasubas mag-isip na kayo’y interesado. Maging pala-duda sa anumang bagay na alok ninuman lalo na’t kapag hindi n’yo kilala.

Tandaan, organisado ang mga sindikatong ito. Kung anu-anong mga pangalan ng mga foundation at mga kompanya ang kanilang kinakaladkad.

Nag-iiwan sila ng mga numero ng telepono para tawagan ang legal department kuno ng nasabing foundation. Dito sasabihin nila ang mga requirements bago makuha ng biktima ang napanalunang halaga sa kalimitan ay mahigit sa P1 milyon.

May buwis daw na babayaran ang winner. Pinadidiposito nila ito sa isang bank account, kalimitan ay PCI Bank. Base sa aming imbestigasyon inutil ang bangko at wala na silang magagawa kapag na-withdraw na ang pera.

Hindi na raw kayang i-trace ang tunay na pagkakakilanlan ng nag-mamay-ari ng nasabing lehitimong bank account?

Sa lahat ng makakabasa nito, pakigupit ang kolum na ’to at pakipasa sa inyong mga kaanak, kaibigan, kapitbahay o kasamahan sa opisina.
* * *
• Mr. Ben Tulfo, huli na nang mabasa ko ang inyong kolum nitong December 25, 2002 na nagbigay babala laban sa mga sindikatong tumatawag at nagti-text sa kanilang biktima. Isa po ako sa mga tinext nila na nanalo daw ng P2 million sa American Charity Foundation na nakabase sa Delano St. Cebu City. Parehas na parehas po ang modus nila sa naisulat n’yo. Nakapag-deposito na po ako ng halagang P20,000 bilang porsiyento sa babayaran kong buwis. Inagahan kong pumunta sa bangko (PCI Bank) para subukan ipa-freeze ang account number na ibinigay sa akin ngunit huli na ang lahat, na withdraw na ang pera. 09208051513

• Salamat Mr. Ben Tulfo sa kolum n’yo nung December 25, 2002 ako din ay muntik na rin maloko nitong nagngangalang Mr. Medel halos pareho sa inyong naisulat. Buti na lang nabasa ko agad ang inyong kolum. 09207638946.


Basahin ng maigi. Tandaan nagsisimula ang lahat sa text message o tawag sa telepono. Kapag napaniwala nila ang biktima, narito ang mga susunod na instructions.


UNA, pabibilhin ng mga cellcard ang kanilang biktima at ibibigay sa kanila ang PIN number ng nabiling cellcard.

PANGALAWA, bibigyan ang biktima ng account number ng bangko at dito pinagdidiposito nila ng halagang kanilang hinihingi bilang porsiyento sa buwis (tax) sa kanilang napanalunang halaga.

PANGATLO, makikipagkita daw sa biktima ang mataas na opisyal ng kompanyang mga nabanggit sa coffee shop ng five star hotel upang ibigay ang halagang kanilang napanalunan sa harapan ng mga taga-media upang mailathala sa mga pahayagan.

vuukle comment

AMERICAN CHARITY FOUNDATION

BASAHIN

BIKTIMA

BUTI

DELANO ST. CEBU CITY

HUWAG

MR. BEN TULFO

MR. MEDEL

TANDAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with