^

PSN Opinyon

Pagpupugay kay Rizal

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BUKAS ay Rizal Day. Gugunitain ng sambayanan ang kamatayan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Narito ang maikling talambuhay ni Rizal. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang inang si Teodora Alonzo ang una niyang guro at inspirasyon sa pagiging makabayan. Kasama ang ilang Pilipinong expatriates sa Propaganda Movement sumulat siya ng La Solidaridad na inilathala ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona, Spain noong Feb. 15, 1889. Sa Europa niya sinulat ang kanyang dalawang nobela na sinasabing nagpasiklab sa damdamin ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. Ito’y ang mga nobelang ‘‘Noli Me Tangere’’ at ‘‘El Filibusterismo.’’

Nang bumalik si Rizal sa Maynila noong 1892 siya’y dinakip at ipinatapon sa Dapitan, isang pulo sa Mindanao, sa utos ni Gobernador Eulogio Despojol. Sa loob ng apat na taong pagkaka-exile sa Dapitan ay nagtayo siya ng eskuwelahan at pagamutan at sa Dapitan din niya nakatagpo ang babaing kanyang pinakasalan. Siya’y si Josephine Bracken, isang Englesa. Ginamot ni Rizal ang madrastong bulag ni Josephine. Si Josephine ang binabanggit na ‘‘dulce estrangera’’ sa pahimakas na tula ni Rizal. Binaril si Rizal ng mga guwardiya sibil sa Bagumbayan na nakilalang Luneta at naging Rizal Park bilang pagdakila sa kanyang kabayanihan.

DAPITAN

DR. JOSE RIZAL

EL FILIBUSTERISMO

GOBERNADOR EULOGIO DESPOJOL

GRACIANO LOPEZ JAENA

JOSEPHINE BRACKEN

LA SOLIDARIDAD

NOLI ME TANGERE

PROPAGANDA MOVEMENT

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with