Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang kapayapaan, pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawad, pag-asa at kabutihan. Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos Ama sa atin upang ibigay ang kanyang nag-iisang anak upang tubusin ang sangkatauhan mula sa pagkakasala. Wala nang hihigit pa sa dakilang pag-ibig ng Diyos Ama sa atin. Abala man tayo sa ating mga paghahanda at pagdiriwang, sana ay maging mas maganda at puspusan ang ating paghahanda sa ispiritwal na aspeto sapagkat hindi sa materyal at panandaliang bagay nasusukat ang ating kahandaan at pakikipagrelasyon sa Diyos Ama.
Sa Paskong ito dalangin ko at ng aking pamilya na maghari ang kapayapaan at pagmamahalan. Isantabi muna natin ang alitan at paghahati-hati.
Kalimutan muna natin ang samaan ng loob at poot sa ating mga puso. Bigyan natin ng pagkakataon na mamayani sa ating bansa at sanlibutan ang wagas na pagmamahalan. Matuto tayong magmahal ng tapat at walang hinihintay na kapalit gaya ng pag-ibig na inukol sa atin ng Diyos at ni Jesus. Nawa ay bigyan tayo ng lakas at dalisay na puso upang maging karapat-dapat tayo sa dakilang pag-ibig ng Diyos.
Maligayang Pasko sa lahat!