Kamakailan ay iniutos ng Imus Regional Trial Court sa pamamagitan ni Judge Lucinito Tagle na linisin ang Manila Bay.
Isang grupo ng mga environmentalists at concerned citizens ang naghain ng demanda sa 12 ahensiya ng gobyerno kabilang na ang DENR, NWSA, DPWH at DepEd, na nagdudulot ng polusyon sa Manila Bay. Napag-alaman mula sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) na 733 kompanya ang naglalabas ng dumi at nakalalasong kemikal at itoy inaanod sa karagatan. Kahit maraming iskuwater na pinaalis sa pampang ng Ilog Pasig at mga estero ay tatagal pa ng 15 taon ang rehabilitation program ng Pasig River.
Iilan lang ang sewerage treatment facility ng gobyerno subalit ang mga tauhan ng MMDA ay tuloy pa rin sa paglilinis ng basura sa mga estero. Hindi lamang ang gobyerno kundi mga pribadong sektor at mga mamamayan ang dapat na kumilos para mapanumbalik ang kalinisan sa ating karagatan.