^

PSN Opinyon

Gen. Bulaong dakmain mo na si PO3 Boy Collado

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SOBRANG buwenas talaga ni PO3 Boy Collado ng Police Regional Office 4 (PRO) sa Laguna. Biro n’yo, matapos niyang masangkot sa Visconde massacre eh heto’t naging masagana na naman ang buhay niya nang pasukin niya ang negosyong bookies ng karera sa Maynila. At malaking suwerte ang tawag diyan dahil hindi siya naapektuhan ng ‘‘no take policy" ng bagong promote na si Chief Supt. Pedro Bulaong, hepe ng Manila police.

Dating Manila police si Collado at natapon sa PRO4 matapos siyang mapasama sa unang batch ng mga suspects sa Visconde massacre. Pinakawalan siya at ang kanyang mga kasamahan dahil nga itong grupo ni Hubert Webb na ang tinutukan ng pulisya at nasentensiyahan naman. At bumangon si Collado sa pagkabaon niya sa kumunoy at napremyuhan pa, di ba mga suki?

Ang ilan sa mga puwesto ni Collado ay matatagpuan sa Nickel St., sa San Andres, Maynila kung saan siya nakatira. Siya na mismo ang umaasikaso ng kanyang pa-bookies doon, anang mga kapwa-pulis niya na nakausap ko. Ang ilan sa mga kabo niya ay sina Lindoy sa Leyte St., Sampaloc at Henry sa San Diego St., Boy Rugged sa Arellano St., at Linda sa Nakar St., lahat sa San Andres.

Kaya pala hindi mahuli-huli ang mga puwesto ni Collado ay dahil direkta siya kay Sr. Inspector Danny Santos, ng Detective Beat Patrol, na ‘‘bata’’ naman ni Bulaong. Malaki siguro ang parating ni Collado kay Santos dahil nakuha pa ng huli na bitiwan ang trusted lieutenant niyang si PO3 Weng Alcantara, anang mga kapwa nila pulis. Si Alcantara sa ngayon ay naka-umbrella na lamang kay alyas Peling, na sumalo sa mga puwesto ni Manila bookies king Joe Maranan.

Hindi rin kayang galawin ng CIDG-Manila si Collado dahil ka-batch niya si SPO2 Mel Pedrosa, ang bagman naman ng hepe nila na si Supt. Asher Dolina. Kung ang opisina naman ni Sr. Supt. Don Montenegro, ang hepe ng CIDG National Capital Region (NCR), itong si PO2 Bayani Neri ang ipinagmamalaki ni Collado. Baka pati sa opisina ni Supt. Noel Estanislao, hepe ng Task Jericho ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay naka-timbre rin itong si Collado kaya’t tuloy-tuloy ang operation niya, di ba mga suki?

At habang patuloy ang operasyon ng pa-bookies ni Collado ay wala nang naniniwala sa pambobola ni Bulaong na wala ng pasugalan sa Maynila. ‘‘Tuloy ang intelihensiya, pero tuloy din ang hulihan,’’ ito ang sinabi ng mga nakausap kong pulis. Totoo ba ’to General Bulaong Sir? Aba, kilos na at arestuhin mo sina Collado, Peling at Alcantara at iharap sila sa media para maniwala sa’yo ang sambayanan na malinis ka. Tandaan lang, h’wag si Santos ang utusan mo at sigurado akong kung anu-ano na lang ang idadahilan niya dahil palaging bokya ang raid ng mga bataan niya.

vuukle comment

ARELLANO ST.

ASHER DOLINA

BAYANI NERI

BOY COLLADO

BOY RUGGED

COLLADO

MAYNILA

NIYA

SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with