Walang patid ang pasok ng mga text messages at mga tawag sa aming landline, nagbibigay ng mga tips mula sa Batangas, Cavite, Bulacan at sa Metro Manila.
Karamihan dito ay mga kapitbahay daw nila na gumagamit ng ipinagbabawal na KABATAS car plate at binibigay na sa amin ang kanilang mga address kung saan sila matatagpuan at ang kanilang plate number.
Marami rin kaming mga natanggap na tawag sa telepono mula sa mga traffic enforcers at ilan sa pulis nung gabi ng Sabado, isang oras lang matapos ang programa ng BITAG.
Nakipagtalo pa ang mga hunghang. Hindi sila naniniwala na sinuka sila ni General Rogelio Pureza na ipinangangalandakan nila na nakapirma sa kanilang ID. Inilabas namin ito nitong nakaraang Sabado sa BITAG.
Pati si Press Undersecretary Bobby Capco ng Malacañang, nagsalita sa harap ng aming camera. Tinawag niyang sindikato ang grupong nasa likod ng KABATAS.
Nabahala si Capco nung malaman niyang pinangangalandakan ng ilang miyembro ng KABATAS na nasa loob daw mismo ng Malacañang ang headquarters nila.
Ang sagot ni Capco, we will help (BITAG) in your investigation (about this syndicate.)
Dagdag pa ni Capco, posible daw kasing magamit ng mga masasamang loob o mga terorista ang nasabing organisasyon (KABATAS) sa pamamagitan ng kanilang plaka na makapasok at makalabas ng Malacañang compound.
Kayong mga nagdududang miyembro ng KABATAS na matigas pa ang ulo sa bato, sige ituloy nyo lang kahit na mismo ang inyong pangulong si Bennie Lim nanawagan na sa inyo na baklasin nyo na ang inyong mga ilegal na plaka sa program mismo namin sa BITAG.
E-mail us: bitagabc_5@yahoo.com or bahalasitulfo@hotmail.com