May tatlong uri ang bladder stones at ang pinaka-karaniwan ay ang phospatic na kinapapalooban ng pamamaga at decomposition ng ihi na nasa pantog. These stones are usually quite small but are too large to be passed with the urine. Ang mga stone ay lumalaki dahil sa presence ng sobrang asin at minerals kung saan ito ay nabubuo.
Ang sintomas nang pagkakaroon ng bladder stones ay pamamaga ng bladder mismo, masakit na pag-ihi, pagkaramdam na maiihi subalit kakaunti naman o halos walang inilalabas, pagkakaroon ng dugo sa ihi, makadarama ng pananakit ng puson, nilalagnat at matinding pagkabalisa sa nararamdaman.
Ang pag-inom nang maraming tubig ang ipinapayo sa mga may bladder stones. Ipinapayo rin ang pag-adjust sa kanilang diet at ang maagap na paggamot sa bladder infection upang mahadlangan ang pagbubuo ng mga stone.
Kung ang mga stone ay nabuo na at masyadong malaki para sumama sa ihi, operasyon ang kailangan dito at isasagawa sa dalawang paraan. Una ay ang tinatawag na lithoplaxy kung saan ay lalagyan ng instrument ang bladder na padadaanin sa urethra. Babasagin nito ang stone sa maliliit na piraso para mailabas. Ikalawa ay ang tinatawag na lithotomy, na direktang pag-aalis ng stones sa pamamagitan ng incision. Kung mayroong infection, maaaring i-prescribed ang antibiotics at mga gamot na magpapabago sa acidity ng ihi.