^

PSN Opinyon

Gustong maniguro sa developer

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay isang OFW na limang taong nagtrabaho sa Saudi Arabia. Nakapag-ipon na ng pambili ng bahay at lupa. Nais kong humingi ng tulong sa inyo kung paano hindi maloloko sa pambili ng lupa’t bahay.

Mayroon kasing ahente ng isang developer na lumapit sa akin. Nagbebenta siya ng bahay at lupa sa isang subdivision sa Rizal. Paano ba ako makakasiguro na hindi maloloko sa aking bibilhin?

May kasamahan ako sa trabaho sa Saudi na nagbayad ng lupa’t bahay ngunit niloko sila ng developer. Gusto ko lamang na huwag mauwi sa wala ang lahat ng aking pinagpaguran.

Maraming salamat. –Ronald Avila


Kailangang tiyakin mo kung ang developer ay may license to sell (LTS) mula sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB). Ang license to sell ay ang pahintulot ng HLURB na maaaring ibenta ng developer ang mga itinayong bahay at ang lupang kinatitirikan nito. Kapag may license to sell ang isang developer, nangangahulugang pumasa ang developer sa mga panuntunan at batayan na tinalaga ng batas para sa pagtatayo ng maayos at ligtas na mga bahay.

Maaari kang magtungo sa tanggapan ng HLURB sa HLURB Bldg., Elliptical Road corner Kalayaan Avenue, Diliman, Quezon City o tumawag sa telephone numbers 924-3378/924-33-84 upang iyong matiyak kung may LTS ang developer.

Para sa mga katanungan, sumulat sa Office of the Chairman, HUDCC 6th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.

vuukle comment

DEAR SEC

DEVELOPER

ELLIPTICAL ROAD

FLOOR ATRIUM BLDG

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

KALAYAAN AVENUE

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MIKE DEFENSOR

OFFICE OF THE CHAIRMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with