^

PSN Opinyon

Kaso ng pamanang lupa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Ang lupa ni Elisa na nakuha niya noong 1953 ay inilipat niya sa isang kasulatan ng donasyon noong Disyembre 17, 1975. Ito ay may sukat na 150 square meter at kumpleto sa mga mehora. Malaya, ganap at kusang-loob niyang ipinamana at ibinigay ang lupa sa kanyang apat na anak. Ayon sa kasulatan, ‘‘alang-alang sa mabuting paglilingkod at pagtingin na iniukol sa akin ng apat kong tunay na anak, na sina Matilde, Rosita, Carmen at Tino, kusang loob na ibinibigay ko at ipinagkakaloob sa kanila ng ganap at hindi na mababawi ang nasabing lupa.’’ Dagdag pa sa kasulatan na ‘‘ang kaloob na ito ay magkakabisa lamang simula sa araw na ako’y pumanaw.’’

Kalakip sa kasulatan ang isang dokumento na notaryo kung saan idineklara ni Elisa at ng kanyang mga anak ang titulo at ang bahay na’’ mananatili sa poder ng ina na si Elisa habang siya ay nabubuhay, at gayon din ang nasabing titulo ay hindi mapapasangla o ang lupa ay maipagbibili habang maybuhay ang nasabing Elisa.’’

Subalit noong Pebrero 6, 1979, gumawa si Elisa ng isang kasulatan ng ganap na bilihan ng nasabing bahay at lupa niya para sa anak niyang si Rosita, isa sa mga pinagkalooban ng donasyon. Kaya, kinansela ang titulo sa pangalan ni Elisa at inisyu ang bagong titulo sa pangalan ni Rosita.

Bilang paggalang sa kanilang ina, hindi na sinalungat nina Matilde, Carmen at Tino ang nasabing bilihan. Nang mamatay sina Elisa, Matilde at Carmen, ang mga tagapagmana ng huli kasama si Tino ay nagsampa ng kaso laban kay Rosita. Nais nilang ipawalang bisa ang TCT at mabawi ang lupa pati na rin ang bayad-pinsala. Ayon sa kanila, ang kasulatan ng ganap na bilihan ay walang bisa dahil ang lupang binili ay ipinagkaloob na inter vivos. Ayon naman kay Rosita, ang donasyon ay mortis causa dahil magkakabisa lamang ito simula sa araw na pumanaw si Elisa. Bilang donasyon mortis causa, ang Kasulatan ng Donasyon para maging balido ay kailangang may pormalidad ng isang testamento. Tama ba si Rosita?

Mali.
Kahit na ang donasyon ay inter vivos o mortis causa, nang ginawa ng nagkakaloob ang kasulatan, nakadepende ito sa intensiyon ng nagkakaloob na ilipat ang kanyang pagmamay-ari sa lupa. Mahalagang malaman ang uri ng donasyon kung hindi ito nagsasaad ng kasunduan ng pagbabawi sa lupa ng nagkakaloob. Ang hindi pagbawi ay isang ganap na katangian na hindi akma sa donasyong mortis causa, kung saan ang pinakadiwa nito ay ang maaring pagbabawi ng bagay na ipinagkaloob.

Sa pagbibigay ng kahulugan sa mga kondisyon sa Kasulatan ng Donasyon, masasabi itong isang donasyong inter vivos. Ang katagang ‘‘hindi na mababawi,’’ sa kasulatan ay isang patunay na ito ay inter vivos. Ang kondisyon ding ‘‘simula ng araw na ako’y pumanaw,’’ ay pagbibigay ng bisa nito at ang kondisyong ‘‘hindi mapapasangla o maipagbibili’’ ay nagsasabing hindi na maaring bawiin ng nagkaloob nito.

Sa pangwakas, ang kasulatan sa ganap na bilihan kay Rosita ay walang bisa at ang titulo ng bahay at lupa sa pangalan niya ay dapat kanselahin. Sina Rosita, Tino at ang mga naiwan nina Carmen at Matilde ay mga kamay-ari sa nasabing lupa batay sa kasulatan ng donasyon ni Elisa noong Disyembre 17, 1975 Australia-Magat vs. CA, et. al. G.R. 106755 February 1, 2002).

AYON

BILANG

DONASYON

ELISA

KASULATAN

LUPA

MATILDE

ROSITA

TINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with