Ang lahat ng ito ay makatotohanang nailalarawan ng Home Along Da Riles" na pinangungunahan ni Dolphy, bilang Kevin Kosme.
Hindi na dapat pagtakhan kung bakit tumagal nang 10 taon ang Home Along Da Riles sapagkat bawat kabanata ay nagbibigay ng magandang aral at halimbawa kahit na dumadanas ng pagkakahikahos.
Ganitong mga programa ang dapat na mapanood sa telebisyon at hindi ang mga telenobela na puro iyakan, sigawan, sampalan at iba pang kaguluhan sa buhay. Kung ang mga ganitong klase ang mapapanood sa TV ano ang kabutihang maidudulot sa mamamayan? Nariyan din ang mga noontime shows na hinahaluan ng kalaswaan at nakakasirang-puri sa kabataan.
Kung hindi ginagampanan ng MTRCB at ng pamahalaan ang kanilang tungkulin upang masubaybayan ang pananatili ng moralidad tayo na mismong mamamayan ang kumilos. Magkaisa tayong ireklamo na mapaalis o mapalitan ang pamunuan ng mga ahensiyang ito. Samantala, tangkilikin na lang natin ang mga nararapat na mga palatuntunan sa telebisyon at radyo maging sa pelikula na naaayon sa may mataas na moralidad, maka-tao at maka-Diyos.