WPD foolish block, inutil
December 7, 2002 | 12:00am
NAGREKLAMO sa mga kuwago ng ORA MISMO ang mga magulang ng estudyante sa Lakandula, Torres, Laurel at Osmeña High School sa Tondo, kasi masyadong matatapang ang mga tinaguriang bobo este mali tribu kamoteng fraternities diyan na walang ginagawa kundi ang manakot, mangikil at mambugbog ng mga inosenteng students na kanilang kinaiinggitan.
Ang mga gagong hari ng kawalanghiyaan ay tinaguriang tribu YBH at TBS.
Maraming beses nang nag-riot ang mga magkalabang grupo sa mga eskuwelahang nabanggit pero walang ginawa ang mga burungoy kupitan at mga kamoteng foolish-tulis sa foolish block sa Pampanga, Tondo.
Ano ba ito, Col. Bulaong, maghihintay pa ba tayong may mamatay na mga estudyante bago kumilos ang mga foolish mong mabibigat ang mga bayag?
Alam ng foolish block mo kung saan nakaistambay ang mga gagong tribung kamote porke nagpapalaki lamang ng bayag at kepyas ang mga gagong ito sa may R. Fernandez at Pampanga hanggang sa dulo ng Antipolo na nakatanghod at naghihintay ng kanilang mabibiktima. Take note, NCRPO Director Velasco, Sir, baka mga bata mo ang hinihintay ni Bulaong para umaksyon tungkol sa isyung ito!
Mga ka-grupo kasi ni Satanas ang mga kamote kasi pati sa loob ng St. Joseph church ay nagso-showdown ang mga tarantado.
Walang pinipili ang mga gago, mapababae o lalaki ay inuupakan nila. Halo ang grupong ito, mga gagong lalaki at gagang babae na ang babaho ng mga itsura.
Minsan nang tinawag ng pansin ng mga kuwago ng ORA MISMO ang tanggapan ni Bulaong at nakausap pa ito sa telepono kasi nagsumbong nga tayo tungkol sa problema diyan sa nabanggit na mga lugar in fairness kay Sir mabilis itong umaksyon. Nagtrabaho naman ang kanyang pulis diyan sa mga lugar na inginuso natin.
Pero ngayon, imbes na protektahan ng mga burungoy kupitan at foolish cops ang mga students, prayoridad nilang pangalagaan ang mga pedicab na nakahambalang sa kalye kaya grabe ang traffic dito lalot rush hour.
"Talagang ganyan basta kung saan may pitsa mabilis ang mga lintik samantala ang buhay ng mga students ay balewala sa kanila. Kasi, walang pakinabang," anang kuwagong haliparot sa kabaret.
"Alam mo bang battle zone ang mga sinasabi mo?" anang kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Oo naman!" sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Kaya lang mas important ang pitsa kaysa buhay ng mga bata kaya ganyan ang dating ng foolish cops at burungoy kupitan diyan," galit na sabi ng kuwagong Kotong cop
"Mas mabuti sigurong sibakin lahat ang foolish cops diyan at palitan ng bago."
"Bakit pa?"
"Para bago ulit ang intelihensya nila sa pedicab."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest