Mag-amang pulitiko nag-away dahil sa mana

ALAM n’yo bang nag-away diumano ang mag-amang pulitiko dahil sa mana?

Ayon sa aking bubuwit, 22 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kina DPWH Usec. Mabini Pablo, Dory Tapales, Marycel Evangelista, Tonton Bataller, George Uy ng DZRH at kay Eric dela Cruz.
* * *
Alam n’yo bang nag-away diumano ang mag-amang pulitiko dahil sa mana?

Ayon sa aking bubuwit, itong anak ng kilalang pulitiko ay gusto nang magsarili. Siguro, dahil siya ay meron nang pamilya kaya gusto na sigurong maging independent.

Mas lalo na siguro ngayon dahil kilala na rin siya bilang congressman.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa laki ng negosyo ng kanilang pamilya, medyo malaki rin ang hinihingi nitong mana.

Super yaman din kasi ang ama ni Congressman. Magaling na corporate lawyer ang ama ni Congressman at magaling din sa negosyo kaya sangkaterba ang kanilang kayamanan. Bagamat naapektuhan ang kanilang negosyo ng krisis, ngayon ay medyo nakaka-angat na.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa laki ng kayamanan ng kanyang mga magulang, si Congressman ay humingi diumano ng 200 million shares sa kanilang mga ari-arian. Subalit sa halip na pagbigyan ng ama ang kahilingan, nagalit ito. Pinagalitan nang husto si Congressman.

Ayon pa sa aking bubuwit, dahil sa tindi ng galit ng kanyang ama sa anak ay pinalayas diumano sa kanilang bahay sa isang exclusive subdivision sa Makati City. Ang buong pamilya ni Congressman ay umalis na rin umano sa mansion ng ama.

Pambihira naman ang amang ito, malaki na naman ang kanyang anak hindi pa ibigay ang mana.

Dapat siguro habang malakas pa siya ay hinahati na ang kanyang kayamanan sa mga anak. Mas mahirap kapag natigok siya nang di oras at wala siyang last will and testament. Siguradong mag-aaway silang magkakapatid niyan.

Ayon sa aking bubuwit, ang mag-amang nag-away dahil umano sa hinihinging mana ng kanyang anak ay walang iba kundi sina…

Ang ama ni Congressman ay kilalang-kilala mula pa noong panahon ni Apo Marcos.

At ang kanyang anak na Congressman ay walang iba kundi si Congressman E. as in Escrow.

Show comments