Tandaan! Hindi namigay ng I.D ang BITAG kaninuman. Tanging sa mga official staff member lang ng aming investigative/surveillance group sa TV. Eksklusibong labing-limang (15) miyembro lang kami sa BITAG.
Namataan ng aming mga tipster ang ilan sa mga motoristang nagdidisplay ng pekeng BITAG I.D. sa windshield ng kanilang sasakyan. Bago pa man magamit nila ang aming I.D. sa katarantaduhan, tumulong matuldukan agad ito.
Itawag agad o i-text nyo sa aming cellphone hotline (0918-9346417) ang mga bastardong putok sa buhong hindi namin kabalahibo na gumamit ng pangalan ng aming grupo, ang BITAG sa ABC-5.
Lamang inumpisahan nyong makipaglaro sa amin sa pamamagitan ng inyong deny to death na Municipal Administrator na si Wilfredo Villar, puwes, let the game begins!
Luluwagan namin ng konti ang mahigpit na lubid sa inyong Mitsubishi Pajero na may plate number SEU-226, at ang iyong back-up na Toyota Revo na may plate number SFX-739 na aming nasilo nung madaling araw nitong October 12. Sariwain natin nang inyong maalaala.
Puno na ang parking lot nitong kilalang-kilalang night club sa Quezon City. Saan kayo pumarada? Di ba sa kalsada na lang ng Quezon Avenue? Hindi ito kalayuan sa club na inyong pinasukan, sa harap na lang ng Meralco Roosevelt Branch.
Ang lahat ng nakasulat sa kolum na to ngayon ay suportado ng video footage sa nasabing OPERATION RED PLATE ng BITAG nung madaling araw na yon.
Nasa balwarte ka ng BITAG, ang Quezon City. Taguig Mayor Tinga, kaya mo pa bang humirit? At para sa iyong kaalaman, bago namin nai-produce at naipalabas ang segment na ito ginawa na namin ang aming assignment. May mga asset kami sa loob ng club nung gabing yun.
Sa aming episode 7 file ng BITAG nung October 26, kinatok namin ang pinto ng iyong back-up na Toyota Revo, kung saan nagulantang ang inyong mga natutulog na security sa loob ng sasakyan. Sa harapan lang nila ang inyong Pajero.
Abangan ang kakaning baboy na sagot sa BITAG ng Mayors office ng Taguig ni Tinga.
Email us: bitagabc_5@yahoo.com or bahalasitulfo@hotmail.com