Ibig ipagpatuloy ang paghuhulog sa Pag-IBIG

Dear Sec. Mike Defensor,

Nais kong ipagpatuloy ang paghulog sa Pag-IBIG Fund sa pamamagitan ng boluntaryong bayad bawat buwan. Dati akong nagtatrabaho sa isang kompanya. May pag-asa pa ba akong maging miyembrong muli ng Pag-IBIG? – Wilfredo ng Cainta


Ang dati nang miyembro ng Pag-IBIG ay mananatiling miyembro nito, ngunit hindi lamang maituturing na aktibong miyembro. Sinumang miyembro ng Pag-IBIG na hindi nakapagpatuloy sa paghulog ng kontribusyon dahil sa pagkatanggal o pag-alis sa trabaho ay maaring maging boluntaryong miyembro ng Pag-IBIG. Magsadya lamang sa Membership Division, First Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City para sa pagproseso ng inyong aplikasyon ng pagiging boluntaryong miyembro. Magdala lamang ng Certification of Premium payments at dalawang retrato.

Sa mga nagnanais sumulat, maaari ninyong ipadala ang inyong liham sa Office of the Chairman, 6th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue City. Pakibanggit lamang kung nais ninyong ilathala ito.

Show comments