Ang mga bata ay madalas magtungo sa aking bahay para makipaglaro sa aking mga anak. Nakikita ko ang pagmamalasakit ni Elong sa apat na bata. Madalas sabihin ni Elong sa kanyang mga anak na maligo muna bago makipaglaro. Sabi ko naman hindi na kailangan ang paliligo dahil sa magdudumi rin naman ang mga bata matapos silang maglaro. Gayunman, lagi niyang ikinakatwiran na maaari namang muling maligo ang kanyang mga anak.
Si Elong din ang palaging nagpapaalala sa amin ukol sa kalusugan ng aming mga anak sa pamamagitan ng pagtatanong kung bakit laging hubad ang mga ito. Ang aking mga anak na lalaki ay talagang walang suot na damit pang-itaas. Para kay Elong, ang lantad na dibdib ay posibleng humantong sa pulmon. Sa literal na paliwanag, nangangahulugan ito na pag-ubo at tuberkulosis.
Masipag si Elong bilang janitor ng training center at kapag walang pasok tinutulungan si Celia sa gulayan.
Minsan, tinanong ko si Celia kung ano ang nagustuhan niya kay Elong.
Doktor, kahit pilay si Elong ko, tuwid naman ang ugali, sagot ni Celia na may pagmamalaki.