^

PSN Opinyon

Naiwan sa kangkungan ang mga bata ni Gen. Sacramento

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGKALAT na ang droga diyan sa sakop ng eastern Metro Manila at mukhang mahimbing ang tulog ng pulisya sa pamumuno ni Chief Supt. Rolando Sacramento, ang hepe ng Eastern Police District (EPD). Kasi dalawang sunud-sunod na raid na ang isinagawa ng mga tauhan ni Chief Supt. Eduardo Matillano, hepe ng CIDG at naiwan sa kangkungan ang mga tauhan ni Sacramento. Kung tutuusin kasi dapat ang mga tauhan ni Sacramento ang nakakahuli ng mga ‘‘big fish’’ sa sindikato ng droga sa EPD dahil ’ika nga mas naaamoy nila ang kapaligiran, di ba mga suki?

Nitong nagdaang mga araw, nakahuli ang mga tauhan ni Matillano ng 300 gramo ng shabu sa Marikina City at mahigit isang kilo naman sa Pasig City. Inamin naman ng dalawang Muslim na naaresto noong Nov. 5 doon sa Sitio Tumana sa Barangay Concepcion Uno sa Marikina City na matagal na ang kanilang hayagang operasyon doon.

Ang hindi natin alam ay kung bakit ligaw ang pulisya natin sa ilegal nilang negosyo. Sa Pasig City naman, ni-raid ng mga tauhan ni Senior Supt. Cipriano Querol Jr., ng CIDG detective and special operations division (DSOD) ang isang condo unit doon at naaresto nga ang Koreano na si Tae Won Hong, 45, na nakumpiskahan naman ng mahigit isang kilong shabu. Bakit hindi siya naamoy ng mga lokal na pulisya natin, ’yan ang tanong na dapat sagutin ni Sacramento.

Pero kung ang mga pulis naman na nakausap ko ang tatanungin, iba pala ang pinagkaabalahan nitong mga taga-EPD tulad ni alyas Bernie. Imbes na magkampanya sila laban sa droga ang ginagawa nitong si Bernie ay umikot sa tabakuhan o mga gambling joints at presto may pinag-ingreso na siya sa amo niya. Pero hindi ko sinabing si Sacramento ang amo ni Bernie ha! Ayon pa sa mga pulis umaabot sa P200,000 kada linggo ang iniakyat na lingguhang intelihensiya ni Bernie sa amo niya na kung tawagin sa Camp Crame ay Saddam. Aba kapangalan pa ng strongman ng Iraq ah!

Ayon sa mga pulis, si Tony Santos na tinaguriang Metro Manila jueteng king ay nag-aabot ng P70,000 kada linggo kay Bernie. Si Cris dela Paz naman na nakabase sa Marikina City ay P50,000 ang lingguhan samantalang si Diday ay P6,500; Boy A., P8,000; Estong P1,000; Eddie Zipper, P5,000; Onying, P2,000; Peping Suarez; P5,000 at Joel Guevarra P3,000. Ang mga may-ari naman ng peryahan na sina Shaggy, Jess, Rosa at Ely ay uniporme na P10,000 kada linggo. Wala pa riyan ang mga paihi ng gasolina.

Eh kung ganyan kalaki ang iniakyat na pera ni Bernie, bakit nagrereklamo ang mga opisyales sa EPD na hindi sila naaambunan ng panggastos sa opisina nila. Sa katunayan maraming opisyal ng pulisya ang gustong lisanin itong EPD pero may humaharang sa mga papeles nila. Bakit kaya? At wala ring mga opisyal ng PNP natin ang gustong dumapo sa EPD, anang mga pulis doon. At higit sa lahat, hindi kayang sipain sa puwesto ninuman itong si Sacramento dahil bukambibig niya si Speaker Jose de Venecia, di ba mga suki?

AYON

BAKIT

BARANGAY CONCEPCION UNO

BERNIE

BOY A

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

MARIKINA CITY

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with