Sinasabi sa atin ng talinghaga na may ilang abay sa kasal na hindi handa. Kung kayat hindi nila nadaluhan ang buong pangyayari (Mt. 25:1-13).
Dito maitutuwid ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isay may dalang ilawan. Ang lima sa kanilay hangal at ang limay matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalinoy nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kayat inantok silang lahat at nakatulog.
Ngunit nang hatinggabi nay may sumigaw: Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!" Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino. Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e. Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat, tugon ng matatalino. Mabuti pay pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo. Kayat lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.
Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. Panginoon, papasukin po ninyo kami! sigaw nila. Ngunit tumugon siya, Sinasabi ko sa inyo: Hindi ko kayo nakikilala. Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.
Kung kayat nakikita natin na ang paghahari ng Diyos ay tulad ng isang kasalan. Ito ay panahon ng kagalakan at kaligtasan. Ang paghahari ng Diyos sa atin ay kanyang handog. Ang mahalagang punto ay: Na tayo ay handang tumanggap nito. Kung ang handog ay inialay at tayoy di-handang tanggapin ito, ito ay isang napakalaking kawalan. Ang kaligtasan ang pinakadakilang handog na iniaalay sa atin ni Jesus.
Ang talinghagang ito ay isang panawagan na magsisi at magbalik-loob. Dapat nating pagsisihan ang ating mga kasalanan na nagpapalayo sa atin sa paghahari ng Diyos. Ang paghahari ng Diyos ay isang kasalan. Tanging yaong mga handa lamang na tumanggap nito ang siyang makakapasok at makakadalo sa kasalan. Tunay nga, ang kaligtasan at kagalakan ay para doon sa mga handa.