^

PSN Opinyon

Misis ng congressman hinimatay sa bar dahil sa kalasingan

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang lasenggera ang misis ng isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, 51 days na lamang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Francis Ladroma ng DZRH; Rep. Noli Fuentebella ng Camarines Sur; Rep. Neneng Garin ng Iloilo; Rep. Vicky Locsin ng Leyte; Rep. Joey Salceda ng Albay at Lyn Zabala.
* * *
Alam n’yo bang naging lasenggera na ang misis ng isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, marami ang nagulat nang makita nila ang sikat na misis ng isang congressman dahil nagwala sa isang kilalang bar.

Ang misis ng congressman kasama ang ilang kaibigan ay nagtungo sa Venecia Bar & Restaurant sa may Glorietta, Makati City.

Noong una ay matino pa namang kausap ang misis ng congressman pero dahil sa bigat yata ng kanyang problema ay dinaan na lamang ito sa pag-inom ng alak.

Ano ba Madam ang ininom mo?

Tequila ba, red wine o brandy?

Baka naman halo-halo na ang ininom mo kaya ka nalasing nang husto?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nang may tama na ang misis ng congressman ay nagsimula na itong pasayaw-sayaw. Habang sumasayaw ay panay pa rin ang tagay. Hanggang sa bigla itong natumba. Mabuti na lamang at nasalo ng isang lalaking customer na sumasayaw din.

Nahawakan ito sa beywang kaya hindi bumagsak sa semento. Ang problema, ang tumulong na lalaki ay nagsamantala naman. Hinawakan sa boobs ang misis ng congressman. Maganda at sexy pa rin kasi si Misis.

Kahit paga-singkuwento anyos na ay punung-puno pa rin ng asim?

Kasi, bukod sa misis ng kongresista, siya ay mayaman pa at socialite.

Ayon sa aking bubuwit, nang kamuntikan nang bumagsak si Misis, dinala kaagad ng kanyang mga friend sa comfort room.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, pagdating sa ladies room ay biglang sumuka ang misis ng congressman.

Nakakahiya ka naman Madam?

Pinagtitinginan siya ng mga babaing customer na nagpupunta ng CR. Nangamoy nang husto ang CR dahil sa suka ni Misis.

Matagal ding pinunasan ng hot towel ang misis ng kongresista bago nahimasmasan. Nang medyo naka-recover na ay saka siya inihatid sa kanilang bahay.

Grabe, naman yun?

Ayon sa aking bubuwit, ang misis ng congressman na naging lasenggera na ngayon ay walang iba kundi si…

Ang isa yata sa problema nito ngayon ay kulang daw sa ‘‘plenty’’ kasi masyadong busy ang kanyang mister.

Ayon sa aking bubuwit, ang misis ng congressman na sumuka at hinimatay sa Venecia Bar sa Makati dahil sa sobrang kalasingan ay si Mrs. M. as in Maganda.

Siya ay asawa naman ni Rep. F.A. as in Flight Attendant.

vuukle comment

AKING

AYON

BUBUWIT

CAMARINES SUR

CONGRESSMAN

FLIGHT ATTENDANT

FRANCIS LADROMA

MISIS

VENECIA BAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with