Kaso ng mga umuupa
November 5, 2002 | 12:00am
KASO ito ng lote at gusaling pagmamay-ari ng isang korporasyon. Inupahan ito ni Soledad noon 1970. Noong 1980, pinaupahan ni Soledad ang gusali at lote sa mag-asawang Rolly at Thelma na walang pahintulot ng korporasyon. Nagawa ni Soledad na mag-paupa dahil wala namang nakasaad na sa kontrata na ipinagbabawal ang magkaroon ng sub-leasee. Noong 1987, nasunog ang gusali. Nagpatayo ng bahay sina Rolly at Thelma na umabot sa P1,500,000. Pinahintulutan ito ng korporasyon. Bandang Enero ng 1992, hindi na nagbayad ng renta si Soledad at ng 1995, nilisan na niya ito. Sa dahilang hindi pagbabayad ng renta, winakasan na ng korporasyon ang kontrata ng pagpapaupa.
Pinadalhan ng korporasyon ang mag-asawa ng impormasyon ng pagtatapos ng pagpapaupa nito kay Soledad at dahil wala naman silang kontrata sa korporasyon, kailangan nilang lisanin ang lugar sa loob ng 15 araw. Tumanggi ang mag-asawa, nagsampa ng reklamo ang korporasyon.
Ayon sa korporasyon, tapos na ang kontrata nila kay Soledad, ang orihinal na nangupahan. Ang patuloy na pag-ookupa sa lugar ng mag-asawa ng walang kontrata ay isa na lamang tolerasyon ng korporasyon. At sa pagtanggi ng mag-asawa na lisanin ang lugar, ilegal na ang kanilang pag-ookupa rito.
Ayon naman sa mag-asawa, pumayag daw ang korporasyon na sila ay maging subleasees ni Soledad; pagmamay-ari raw ni Soledad ang gusali at ipinagbili ito sa kanila noong 1984; at nang masunog ang gusali, nagpatayo sila ng bahay na may halagang P1,500,000 na wala ring pagtutol ang korporasyon. Sila raw ay nangungupahan sa bisa ng panibagong kasunduan sa pagpapaupa dahil nang matapos na ang kontrata ni Soledad, pinayagan silang magpatuloy sa pag-ookupa rito. At dahil natapos na ang panibagong kasunduan sa pagpapaupa, kailangan daw silang bayaran ng korporasyon sa mga nagastos nila sa pagpapatayo ng bahay sa halagang P1,500,000. Tama ba ang mag-asawa?
Mali. Ang karapatan nina Rolly at Thelma sa lugar ay nakadepende kay Soledad, ang orihinal na nangungupahan. At nang matapos ang kontrata ng pagpapaupa ng korporasyon kay Soledad, tapos na rin ang kontrata nila kay Soledad.
Sina Rolly at Thelma nang matapos na ang kontrata, ay mga nangungupahan sa tolerasyon ng korporasyon. Ayon sa batas, ang patuloy na pag-ookupa ng walang kontrata at dahil na lamang sa tolerasyon ng korporasyon, ay ipinalalagay na papayag sila na lisanin ang lugar kung hiniling na ito ng may-ari. At kung tumanggi sila, kasong ejectment ang tamang remedyo ng korporasyon.
Tungkol naman sa bahay na ipinatayo ng mag-asawa, ang mga umuupa at mga subleasees ay hindi mabibilang sa mga namumusisyon o mga nagpatayo ng may mabuting hangarin dahil hindi permanente ang kanilang pag-ookupa rito at nakadepende lamang sa kontrata ng pagpapaupa; wala rin silang karapatan na hingin ang kabayaran sa mga nagastos nila sa pagpapatayo ng bahay at pagtigil dito hanggat hindi nababayaran ng korporasyon.
Ayon sa Artikulo 1678 ng Kodigo Sibil, maaring bayaran ng nagpapaupa ang umuupa ng kalahati ng halaga ng mga mehora. At kung sakaling tanggihan ng nagpapaupa ang pagsasauli ng nasabing halaga, maaaring tanggalin ng umuupa ang mga mehora. Sa kasong ito, hindi pumayag ang korporasyon na bayaran ang mag-asawa, kaya walang ibang dapat gawin ang mag-asawa kundi alisin ang mehora, ang kanilang bahay. (Spouses Jimenez vs. Patricia Inc. G.R. No. 134651 September 18, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended