Ayon sa mga customer na nakausap ko, talagang walang bold sa mga babaing sumasayaw sa entablado ng Classmate gabi-gabi dahil ang prostitution ay nangyayari sa mga cubicle. Ang sistema ni Ting ay ganito para maitago sa awtoridad ang prostitution racket niya. Para makakuha ka ng babae, ang dapat lang gawin ng customer ng Classmate na matatagpuan sa Quezon Boulevard ay tawagin ang floor manager at umorder ng babae. He-he-he! Parang sa restaurant ka lang pala. Kaya lang, iba ang putaheng naoorder dito, di ba mga suki?
Ang mga customer ay puwedeng mamili sa isang showroom o dili kayay magpapadala ang floor manager ng isang babae, na nakasuot ng uniporme ng estudyante, sa cubicle na kinaroroonan niya. At matapos makapili, magbabayad ng tumataginting na P2,000 ang customer sa isang oras na ligaya. At kapag nasarapan ang customer at napasobra ng oras, panibagong P2,000 muli. Ang sex bout ay nangyayari sa isang bakanteng cubicle, di ba Mr. Ting Sir?
Kung sabagay itong klaseng modus operandi ni Ting ay hindi basta-basta maaamoy ng mga awtoridad. He-he-he! Paano nila maaamoy eh me sipon sila dahil puno naman ang bulsa nila o dili kayay libre inom sila, di ba mga suki? Me ebidensiya tayo rito dahil ni minsan man lamang ay hindi na-raid ng pulisya o NBI ang Classmate.
Para patunayan ni Gen. Velasco na hindi patong ang kanyang mga tauhan sa Classmate dapat sigurong iutos niya ang pag-raid dito. Siyempre, tiyempuhan lang niyang wala roon si PO3 Ed Morata ng Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO) dahil baka magkahiyaan lang sila no?