^

PSN Opinyon

Saan ba patungo ang Pilipinas?

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
LAGANAP ang karahasan sa ating lipunan. Ngayo’y halos ituring na ng ilan na tila hindi na ligtas ang mamamayan sa naghahasik ng kaguluhan.

Niyayanig ng pambobomba ang Zamboanga at maging dito sa Metro Manila ay magkakasunod naganap ang pambobomba. Anim katao ang namatay sa Zamboanga at mahigit 140 ang nasugatan.

Matapos ito, sumabog muli ang isa pang bomba sa Fort Pilar Shrine, Zamboanga na ikinamatay ng isang Marine corporal at ikinasugat ng 14 pang katao.

Nagbigay ng kasiguruhan ang pamahalaan na walang dapat ikabahala ang taumbayan dahil ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maging panatag ang lahat.

Ngunit sa kabila na ginagawa na umano ng pamahalaan, may mga nagtatanong: Anong uri ba ng pagsasaayos ang ginagawa ng pamahalaan sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan?

Wala na nga bang katapusan ang karahasan sa ating paligid, o talagang wala nang magawa ang pamahalaan sa pagsugpo sa karahasan sa ating lipunan? Saan na ba patungo ang ating bansa?

vuukle comment

ANONG

FORT PILAR SHRINE

MATAPOS

METRO MANILA

NAGBIGAY

NGAYO

NGUNIT

NIYAYANIG

SAAN

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with