^

PSN Opinyon

Taumbayan ang dapat sumugpo sa corruption

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SA survey ng Transparency International, isang pandaigdig na coalition laban sa corruption, sinasabi na ang Pilipinas ay pang-11 sa 102 bansang corrupt. Nangunguna ang Bangladesh na sinundan ng Pakistan, Romania at Zambia. Ang Finland ang pinaka-corrupt-free.

Wow, ang galing ano? Muli na namang bumandera ang Pilipinas hindi sa kabutihan kundi sa kawalanghiyaan. Talaga namang nakakahiya lalo na’t kasalukuyan kaming nakikipag-negosasyon sa ilang grupo ng mga foreign investors na pumasok ng negosyo rito sa ating bansa. Halos hindi kami makatingin ng diretso sa mga ito dahil sa lumabas na survey.

Mabuti na lamang at ‘‘very understanding’’ ang mga kausap naming investors sapagkat sinabi nilang malimit na nilang naririnig ang mga ‘‘improper business practices’’ at mga ‘‘under the table transactions’’ dito sa Pilipinas. Subalit, nais pa rin nilang subukang magnegosyo rito hindi lamang sa maganda ang inihahain naming business opportunity sa kanila kundi pati na ang hangarin nilang makatulong sa ating mga kababayan. Inaasahan nilang baka hindi na sila kataluhin pa o sumailalim sa anumang corruption dahil sa sila na nga ang tumutulong sa bansa at mamamayan nito.

Nagisnan na ng karamihan sa atin ang graft and corruption. Parang natural na lamang ito sa ating pang-araw-araw na kabuhayan lalo na sa pakikitungo natin sa mga naglilingkod sa pamahalaan. Hindi na sila ngayon ang dating naturingang ‘‘public servant’’ kundi tayo nang mga mamamayan na dapat sana ay ang pinaglilingkuran nila.

Hindi na lamang ngayon sa BIR, Customs, DPWH, PNP, DepEd, Kongreso at iba pa matatagpuan ang katiwalian. Umusbong na ito sa lahat ng sulok ng ating pamahalaan. Ang tanging natitirang lakas na makapagpapatigil ng graft and corruption ay ang mamamayang Pilipino. Itatag natin ang pagkakaisa kasama na ang mga militanteng grupo, mga kabataan, kababaihan lalo na ang mga suki ng people power 1 and 2 upang supilin at sugpuin ang lahat ng katiwalian sa loob at labas ng pamahalaan.

ANG FINLAND

INAASAHAN

ITATAG

KONGRESO

MULI

NAGISNAN

PILIPINAS

TRANSPARENCY INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with