^

PSN Opinyon

Parang makina, paurong-sulong si Kuya Celso

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BILIB na sana ang mga kuwago ng ORA MISMO nang magsumite ng irrevocable resignation si NAIA Customs Collector Celso Templo noong Oct. 14 matapos siyang bulyawan ni Prez Gloria noong Oktubre 12 dahil bumagsak ang revenue collection.

Madamdamin ang talumpating binitiwan ni Kuya Celso sa harap ng kanyang mga tauhan. Halos mag-iyakan pa ang mga alipores niya. Nagpaliwanag siya kung bakit aalis.

Sa kuwento ni Kuya sa Chief Kuwago ng ORA MISMO sobrang kahihiyan daw ang kanyang inabot matapos siyang sermonan ni Prez Gloria sa harapan ng mga taga-Customs, BIR at DOF officials. At muntik na daw siyang mabuhusan ng mainit na kape sa galit ni GMA? Verum Est? Totoo ba ito?

Nadismaya raw si Prez Gloria porke semplang ang revenue collection ng airport. Sa pakiramdam ni Kuya nawala na ang tiwala ni Prez kaya naghain ito ng resignation. Irrevocable ang resignation folks, take note! Pero biglang nagbago ang sagitsit ng mabahong utot kasi binawi ni Kuya ang kanyang pagbibitiw sa hindi malamang dahilan.

Si Kuya nga pala folks, ay kasapi ng Iglesia ni Cristo for the information ng mga taong hindi nakakikilala sa kanya.

Thirty three years in the making, este mali, service pala, ito bilang customs personnel sa airport. Noong panahon ni Customs Commissioner Salvador Mison lamang siya naalis sa nasabing lugar pero sandali lamang ito nawala.

Isang press release galing sa Malacañang ang nakuha ng mga kuwago ng ORA MISMO at ito ang laman ng istorya ‘‘Prez Gloria Macapagal-Arroyo is turning down the resignation of Customs District Collector Celso Templo of NAIA even as she admired the latter for resigning without being asked.’’ Hanep!

May delicadeza raw si Kuya ayon sa press release ng Malacañang!

‘‘Bidang-bida si Kuya sa lahat ng diyaryo noong Martes nang magbitiw ito sa puwesto,’’ anang kuwagong maninipsip ng tahong.

‘‘Kahanga-hanga ang ginawa ni Kuya porke may delicadeza’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Pero bakit babalik yata?’’ tanong ng kuwagong sepulturero na naghahanap ng gintong pustiso.

‘‘Baka naman dating mananahi ito?’’

‘‘Mananahi ba si Kuya?’’

‘‘Kasi parang makina na ginagamit ng sastre?’’

‘‘Bakit naman?’’

‘‘Urong-sulong kasi"

‘‘’Yon lang!’’

CHIEF KUWAGO

CUSTOMS COLLECTOR CELSO TEMPLO

CUSTOMS COMMISSIONER SALVADOR MISON

CUSTOMS DISTRICT COLLECTOR CELSO TEMPLO

KUYA

KUYA CELSO

MALACA

PERO

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with