Sari-sari ang mga espekulasyon sa pulitika. Isa na ang sumasagitsit na paghirit umano ng tambalang FPJ-Gringo. Si Sen. Panfilo "Ping" Lacson ay ayaw mag-second fiddle kay FPJ. Feeling presidentiable na ang Ping. Ganyan din si Raul Roco na gusto raw kuning bise si FPJ. Anoo?
Sa mahihirap na mayorya sa populasyon, ang FPJ-Gringo ang kanilang "dream team". Tugon daw sa problema ng kahirapan. Panay naman ang deny ng dalawa na kakandidato sila. Pero balita koy may strategy nang niluluto ang mga supporters para matuloy ang kanilang kandidatura. Tila isang bagong partido ang isisilang.
Nangangatog ang administrasyon. Patuloy nilang sinusuyo ang aktor na tumakbo sa bandila ng administration party.
Parehong clean ang record ng dalawa. OK ang geographical distribution. Isang taga-Pangisinan, isang Bicolano. Marami sa mga nasa grassroot level ang bilib na ang tambalan ang makasusugpo sa kriminalidad, terorismo at paghihirap na talamak sa bansa.
Hinahangaan din si FPJ dahil matulungin sa maralita, bagay na ginagawa without publicity. Di pa nalilimot ng marami ang papel ni Honasan sa EDSA I at may kredensyal siya bilang master sa business administration mula sa Asian Institute of Management.
Mula Jolo hanggang Batanes, fans ni FPJ ay milyones. Secret weapon naman ni Gringo ang milyones ding card-bearing members ng samahang Guardians Brotherhood bukod pa ang mga kaibigan sa militar at pulisya.
May rasong manginig ang administrasyon sa prospect na ito, di ba?